Robin Padilla slams netizen accusing him, wife Mariel Rodriguez of being pretentious, hypocritical

by Rachelle Siazon
Oct 1, 2019
Robin Padilla reacts to netizen calling him and his wife Mariel Rodriguez "pretentious" and "hypocritical."
PHOTO/S: @happyfolks_mnl via @marieltpadilla Instagram

Hindi napigilan ni Robin Padilla na buweltahan ang isang netizen na bumabatikos sa desisyon ng misis niyang si Mariel Padilla na isilang ang kanilang anak sa U.S.

Si Mariel, na isang U.S. citizen, ay kasalukuyang nasa Dover, Delaware para sa napipinto niyang panganganak ng second baby nila ni Robin.

Noong September 28, Biyernes, isang netizen ang nagkomento sa Instagram post ni Mariel tungkol sa panganganak ng TV host-actress sa U.S. gayong hindi naman daw ito talaga namamalagi roon.

Continue reading below ↓

Patutsada pa ng netizen, "pretentious" at "hypocritical" daw ang dating ng mag-asawang Mariel at Robin.

"Didn't her husband @robinhoodpadilla pride himself to be nationalistic?

"Then why the hell abandon Philippines to give birth?

"I SHOULD POSED THIS QUESTION 'WHAT IS WRONG IN THE PHILIPPINES?'

"After giving birth go back to the Philippines and display their babies, privilege, born in the USA, huh!"

ROBIN TO NETIZEN: FACE ME

Kasunod nito ay galit na hinamon ni Robin na magpakita sa kanya ang netizen.

Bungad ni Robin, "p***ng ama mo nasan ka."

Continue reading below ↓

Sumagot ang netizen sa pamamagitan ng pagbigay ng kanyang location coordinates.

"Still I'll report the birther to homeland security," dagdag nito.

Sabi naman ni Robin (published as is):

"kaya ka pala matapang nagtatago ka sa saya ng homeland security mo kapag nagkaroon ka na ng bayag magsalita sa harap ko isama mo un homeland security mo message niyo lang ako kung san gusto niyo sa cuba puede tayo magkita sa cuba."

Continue reading below ↓

Pagkatapos ay nagpaliwanag si Robin na karapatan ng asawa niyang si Mariel kung saan nito nais isilang ang kanilang anak.

"Ang pagiging filipino american ay hindi pagtataksil sa Inangbayan Lalo na ang asawa ko ay US citizen at ako naman ay may lahing native american mas amerikano pa kami sa inyong pa inglis inglis at nakatira dyan sa estados unidos at mas pilipino pa kami sa kanino man dahil sa lola ko pa lang na si gabriela silang ng abra at sa lolo ko na kapitan pablo ng nueva ecija ay lumalangoy na kami sa pag ibig sa bayan na ito."

"WALA KAYONG PAKIALAM SA ASAWA KO"

Sa huli, nanindigan si Robin na sariling desisyon niya ang kanyang pagiging makabayan.

Dire-diretso pa ring pahayag ni Robin (published as is):

"Ang babata pa ng mga opinyon niyo at puro na puna at paghusga.

"Wala kayong pakialam sa asawa ko dahil amerikana siya at karapatan at kalayaan niya ang magpakasarap sa amerika at karapatan ko at kalayaan ko magpakamatay dito sa Pilipinas!

Continue reading below ↓

"Wala kayong mga magawang tama subukan niyo magligpit ng kama ninyo at ipaghanda niyo ng almusal mga magulang niyo.

"If you cant say or do something postive to others at least Do something good for yourself"

HOT STORIES

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Robin Padilla reacts to netizen calling him and his wife Mariel Rodriguez "pretentious" and "hypocritical."
PHOTO/S: @happyfolks_mnl via @marieltpadilla Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results