Nagpaka-“honest” si Pia Wurtzbach at inaming tulad ng marami sa atin, may mga araw na “hindi ako okay.”
Kasabay nito, aminado rin ang Miss Universe 2015 na dahil sa kanyang “very complicated life,” nahihirapan siyang humanap ng mga tunay na kaibigan.
Sa kanyang latest vlog ngayong Martes, October 1, na kinunan mula sa kanyang hotel room sa Bangkok, Thailand, sa unang pagkakataon ay nagpakita ng kanyang vulnerable side si Pia.
Bungad niya, “Gusto kong maging honest.
“There are days na hindi ako okay.
“Na paggising ko, parang ang bigat nung gabi.
“May dinala akong bigat from kagabi, 'tapos dinala ko today, or dinala ko sa paggising ko.”
Paliwanag ni Pia, may mga panahon talagang napapaisip siya “of the things that are not working so well at the moment.”
Patuloy ng beauty queen-actress, “Hindi naman sa may masamang nangyari… you just get reminded of the things that are not working so well at the moment.”
PIA ON HAVING TRUE FRIENDS
Bagamat inamin ni Pia ang tungkol sa pagpapabuti ng ilan niyang “personal relationships”—gaya ng pakikipagkaibigan—hindi naman niya sinabi kung ano ang bumabagabag sa kanya, at hindi rin siya nagbanggit ng pangalan.
“Sa buhay ko, I have some personal relationships that I think can improve pa.
“It’s not that I have enemies, it’s more of… it’s a very complicated life that I live in.
“Because you don’t really know who your true friends are.
“Or you think you do, but then it turns out they’re not.”
Dagdag ni Pia, “Parang in the end, you don’t really know who has your back.”
Aniya, sa mga panahong tulad nito, idinadaan na lang niya sa dasal ang kanyang nararamdaman.
“Sa mga moments na ganito, I just pray.
“I pray na sana ma-let go ko yung feeling na yun.
“Sana mawala siya.
“Sana mabura siya, then I can continue on with the day happy, happy again.”
IT’S OKAY TO NOT BE OKAY
Sa huli, sinabi ni Pia na normal lang kung minsan ay nakakaramdam ng kalungkutan ang isang tao.
“I just wanna be honest and say na I woke up not a hundred percent today, and that’s okay.
“What’s important is you realize, alam mo yung mga blessings mo.
“You’re grateful. And you know how to just let go.”
Ayon kay Pia, idinadaan niya sa pagdarasal ang maraming bagay upang maging masaya.
“Gusto ko masaya ako. Gusto ko lang maging masaya.”
Narito ang kabuuan ng vlog ni Pia mula sa Thailand:
Katatapos lang mag-celebrate ni Pia ng kanyang 29th birthday nitong September 24 sa Bali, Indonesia.
Kasama ni Pia na nag-celebrate ng kanyang kaarawan ang malalapit niyang kaibigan, kabilang ang ilang batchmates mula sa Binibining Pilipinas 2015.
