Ice Seguerra opens up about struggle with depression

by Bernie V. Franco
Oct 2, 2019
Singer Ice Seguerra reveals battle with depression. “For the longest time, I wasn't really feeling anything. I was numb. The things that would normally make me happy or excite me, wala akong pakiramdam.”
PHOTO/S: Photo grabbed from TWBA YouTube

“I was diagnosed with depression and anxiety since the early 2000s.”

Ganito sinimulan ni Ice Seguerra, 36, ang pag-amin niya tungkol sa pinagdaraanang kondisyon.

Ginawa ng singer ang rebelasyon sa pamamagitan ng isang Instagram post ngayong Miyerkules ng umaga, October 2.

Kalakip ng kanyang post ay isang poster na nagtataglay ng sintomas ng taong dumadaan sa depression.

Pag-amin niya, nag-therapy siya noon subalit nagpabaya siya.

“Did some therapy back then but I stopped taking my meds and hindi na ako nagpakita sa doctor ko (bad move).

“Mula noon, I just lived with it,” pagbabahagi ni Ice sa kanyang Instagram followers.

Inilarawan din ni Ice kung gaano kabigat ang magkaroon ng naturang kondisyon.

“It's like a cloud hovering, hindi mo alam kung kelan ka tatamaan.

“There are days na ok lang, kaya kong dalhin.

“Pero may mga araw din na gusto mo na lang matapos lahat, kasi pagod ka na.”

Continue reading below ↓

ICE OPENS UP ON LATEST TRIGGER

Ibinahagi rin ni Ice ang pinakahuling pagkakataong tinamaan uli siya ng depression.

Ito ay nang italaga siya bilang chairperson ng National Youth Commission (NYC) ni Pangulong Rodrigo Duterte noong August 2016.

Nagbitiw siya sa puwesto noong April 2018 at bumalik sa music scene.

Lahad ni Ice, “My latest trigger was my short stint sa government coz everything changed and it got worse when I resigned and went back to the industry I thought I knew.

Continue reading below ↓

“Suddenly, I felt like an outsider. Parang first timer na I had to navigate my way through things again.

"I felt lost and displaced.”

Nagtagal daw ang depression ni Ice sa pagkakataong iyon.

Apektado raw hindi lang ang kanyang trabaho, kundi pati na rin ang relasyon niya sa mga taong mahal niya, kagaya ng partner niyang si Liza Diño.

Inisa-isa ni Ice ang mga emosyong naramdaman nang muling pagdaanan ang depression.

“For the longest time, I wasn't really feeling anything. I was numb.

"The things that would normally make me happy or excite me, wala akong pakiramdam.

“I decided to see my doctor again when it started affecting my work and my relationship.

“I'm already introverted but at the height of my depression, i just wanted to be alone. Not get out of bed. No strength to get out of the room. Ayokong makakita ng tao.

Continue reading below ↓

“If I have work, kumakanta ako pero wala akong nararamdamang kaba, lungkot o saya. Walang empathy. Walang passion. Wala. Kumanta LANG ako.

“When it started to affect my relationship with Liza and other people I love, I knew I needed professional help.”

Sa ngayon ay balik daw sa therapy si Ice.

Hindi pa man siya tuluyang gumagaling, pero mas nakakaya na raw niya ang sitwasyon dahil mayroon siyang matibay na support system.

“Bumalik ako sa doctor ko early this year and I'm glad I went back to her.

"I'm starting to feel things again. Mas na eexcite na ako ulit about life.

“Yes, there are moments na I feel sad but mas madalas na nakakaramdam ako ng saya.

“I have a strong support group and right now, I'm just happy to feel things again,” pagtatapos ni Ice sa kanyang post.

Continue reading below ↓

Ang depresyon ay seryosong usapin.

May mga organisasyong handang tumulong sa mga taong dumaraan sa ganitong kondisyon.

Katulad na lamang ng National Center for Mental Health na inilunsad ng Department of Health.

Maaari silang tawagan sa mga sumusunod na 24/7 hotline:

0917 899 8727 (USAP); at 989 8727 (USAP)

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Singer Ice Seguerra reveals battle with depression. “For the longest time, I wasn't really feeling anything. I was numb. The things that would normally make me happy or excite me, wala akong pakiramdam.”
PHOTO/S: Photo grabbed from TWBA YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results