Enchong Dee, Ethel Booba, Bianca Gonzalez react to Celine Pialago's take on transport strike

by Rachelle Siazon
Oct 2, 2019
Enchong Dee, Bianca Gonzalez, at Ethel Booba, may kani-kaniyang tweet kaugnay ng mga pahayag ni MMDA Assistant Secretary Celine Pialago laban sa mga nagprotestang transport groups noong Lunes, September 30.
PHOTO/S: @mr_enchongdee / @iamsuperbianca Instagram / @IamEthylGabison Twitter

Binatikos ni Enchong Dee ang diumano'y kawalan ng amor ni Celine Pialago sa hinaing ng jeepney drivers na nagsagawa ng transport strike noong Lunes, September 30.

Si Celine Pialago, assistant secretary at spokeswoman ng Metro Manila Development Authority (MMDA), ay may pahayag na hindi umano nagtagumpay ang transport strike sa pagparamdam ng pasakit sa mga pasahero.

Ito ay dahil umano sa aksyon ng mga lokal na pamahalaan na isuspinde ang klase sa buong Metro Manila kaugnay ng transport strike.

Binanggit din ni Pialago ang pag-deploy ng "libreng pasakay" sa ilang lugar kunsaan walang pumasadang mga jeep.

Sa Instagram Story ni Enchong, ibinahagi niya ang quote card ng ABS-CBN News kunsaan makikita ang pahayag ni Renato Reyes Jr., secretary-general ng Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN), na kabilang sa mga grupong nakibahagi sa transport strike.

THE ISSUE

Taliwas sa sinabi ni Pialago, inihayag dito ni Reyes na hindi intensiyon ng mga nagprotesta ang perhuwisyuhin ang commuters kundi upang ipaglaban umano ang hinaing ng jeepney drivers.

Continue reading below ↓

Sabi rito ni Reyes, "A strike aims to disrupt in order to call attention to an issue.

"The fact na nagsuspinde ng pasok, dahil may disruption, ito ay tagumpay ng transport groups.

"Hindi ata nauunawaan ng MMDA ang layunin ng isang strike."

Makikita rin sa quote card ang tirada ni Pialago sa mga nagsagawa ng transport strike laban sa PUV Modernization Program ng gobyerno.

Bahagi ng programang ito na i-phase out ang public utility vehicles (PUVs) na 15 taong gulang pataas, at mapalitan ito ng moderno at environment-friendly na transport system sa 2020.

Ani Pialago hinggil sa umaalmang transport groups:

"Despite the good intentions of the government, puro reklamo lang ang kaya ninyong gawin.

"Nasasanay kayong gobyerno ang mag-a-adjust sa lahat ng reklamo niyo particularly dito sa PUV Modernization Program.

"You can never threaten the government."

ENCHONG HITS MMDA SPOKESPERSON

Kalakip ng quote card ang personal caption ni Enchong na may arrow sign at question mark na nakatutok sa mukha ni Celine.

Continue reading below ↓

"This person is clueless of the state of Metro Manila Traffic," saad ni Enchong na may tatlong boy-with-hand-on-forehead emojis.

Dagdag pa rito ang tweet ni Enchong:

"Mamayang Pilipino nanaman mag-aadjust?

"Why not provide for the Jeepney driver’s modernization... if the govt finds it expensive, how much more the jeepney drivers?"

Continue reading below ↓

BIANCA TWEETS about plight of transport groups

Maging si Bianca Gonzalez ay sunud-sunod ang retweets tungkol sa transport strike issue sangkot ang MMDA spokesperson na si Celine.

Hindi malinaw kung ano ang personal na opinyon ni Bianca.

Pero karamihan sa mga ni-retweet niya ay mga saloobin ng ilang personalidad na sana ay pakinggan din ng gobyerno ang hinaing ng transport strike groups.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

ETHEL BOOBA TAKES A SWIPE AT PIALAGO

Sa hiwalay na tweet ni Ethel Booba, ibinahagi niya ang link ng ulat tungkol sa pahayag ni Celine sa aksyong ginawa ng gobyerno para hindi magtagumpay ang transport strike.

Hirit naman ni Ethel, "Hinayaan nyo magsuspend ng klase edi tagumpay tuloy sila. Charot!"

Gayunman, sinabi ni Ethel sa sumunod niyang tweet na hindi siya pabor o kontra sa PUV Modernization Program ng gobyerno.

Continue reading below ↓

Kaya hindi raw siya tatamaan sa batikos ng isang netizen sa mga "feeling environmentalists" na kumukontra naman sa panawagan ng gobyerno na gawing environment-friendly ang public transport system.

RELATED STORY

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Enchong Dee, Bianca Gonzalez, at Ethel Booba, may kani-kaniyang tweet kaugnay ng mga pahayag ni MMDA Assistant Secretary Celine Pialago laban sa mga nagprotestang transport groups noong Lunes, September 30.
PHOTO/S: @mr_enchongdee / @iamsuperbianca Instagram / @IamEthylGabison Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results