Fire hits Star City; electrical overload, arson eyed

by Jet Hitosis
Oct 2, 2019
A four-hour fire ravages Star City amusement park and Manila Broadcasting Company building in Pasay City before dawn this Wednesday, October 2.
PHOTO/S: Pasay City Bureau of Fire Protection

Iniimbestigahan ng mga awtoridad ang anggulong arson, o sadyang pagsunog sa Star City amusement park sa Pasay City.

Ang posibilidad na sinadya ang sunog sa 3-5-ektaryang top Christmas destination sa Metro Manila ay batay sa initial assessment ng Bureau of Fire Protection (BFP) ng Pasay City.

Ayon sa Pasay BFP, nasa 80 percent ng Star City ang naabo sa sunog na nagsimula bandang 12:33 ng umaga ngayong Miyerkules, Oktubre 2.

Tumagal ng mahigit apat na oras ang pag-apula sa sunog, na umabot sa Task Force Bravo.

Walang iniulat na nasaktan o nasawi sa sunog, ayon pa sa mga awtoridad.

Sa official statement ng Manila Broadcasting Company (MBC), kinumpirma nitong bukod sa 28-anyos na theme park, natupok din ang mga head office ng kumpanya.

Ang MBC ang nagsasahimpapawid sa AM station na DZRH, gayundin sa mga FM stations na Love Radio, YES the Best, at Easy Rock.

Tuloy pa rin ang regular broadcasting ng tatlong FM stations ng MBC, habang ilang oras namang tigil-operasyon ang DZRH.

Continue reading below ↓

Nakasaad din sa official statement ng MBC na masusi itong nakikipagtulungan sa mga awtoridad upang matukoy ang pinagmulan ng sunog.

“STAR CITY WILL DIE”

Ayon sa report ng GMA News, sinabi ni Pasay City Fire Marshall Supt. Paul Pili na nagsimula ang sunog sa stockroom ng Star City, batay sa initial investigation ng BFP.

Continue reading below ↓

Ito, ayon kay Pili, ay dahil may mga pagliliyab na sumiklab umano sa iba pang bahagi ng Star City makaraang magsimula ang apoy sa Snow World attraction ng park.

Sinabi rin na bukod sa arson, tinitingnan din ng BFP ang posibilidad ng electrical overload na sanhi ng sunog.

Batay pa rin sa parehong report ng GMA News—na iniulat din ng iba pang media outlets—lumitaw ang anggulo ng arson makaraang ipakita ni Liza Macuja sa BFP ang isang kahina-hinalang Twitter post na nagsasabing “Star City will die.”

Ang prima ballerina na si Liza ay asawa ni Fred Elizalde, na may-ari ng Star City.

Ang naturang tweet, na na-takedown din makalipas ang ilang oras, ay nai-post ilang araw pa lang ang nakalilipas, at iniuugnay ngayon ng netizens sa pagkaabo ng Star City.

CHILDHOOD AND STAR CITY

Kasunod nito, nagkani-kanyang post sa social media ang maraming nalulungkot sa pagkasunog ng Star City.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Ayon sa kanila, bahagi ang amusement park ng kanilang kabataan, at paborito nilang puntahan kasama ang kanilang pamilya at mga kaibigan, lalo na tuwing Pasko.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Sa panayam naman ng CNN Philippines, sinabi ni Ed de Leon, tagapagsalita ng Star Parks Corporation, na sisikapin ng management na maitayo ang “improved” at “better” na Star City.

“Our commitment is this: We will try to make do with what we have and try to improve… it might even be a blessing. We might even have a better Star City,” sabi ni De Leon.

WILL THERE BE STAR CITY THIS CHRISTMAS?

Nagpahayag din si De Leon ng posibilidad na mabuksan ang kahit ilang bahagi ng amusement park sa Pasko “to make the Filipino children happy.”

Aniya, “Our commitment is to make the Filipino children happy.

“That is commitment of management, to make sure that Filipino children will be happy on Christmas, here at Star City,” dagdag pa niya.

Gayunman, ang pansamantalang pagbubukas ng Star City ngayong Pasko ay nakadepende pa sa clearance na ibibigay ng BFP.

Una nang sinabi sa media ni Atty. Rudolph Steve Juralbal, vice president for legal affairs ng Elizalde Group of Companies, na isang taong isasara ang Star City at magre-reopen sa October 2020.

Continue reading below ↓

Aabot sa mahigit 500 ang empleyado ng Star City, ayon sa datos ng jobstreet.com.ph.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
A four-hour fire ravages Star City amusement park and Manila Broadcasting Company building in Pasay City before dawn this Wednesday, October 2.
PHOTO/S: Pasay City Bureau of Fire Protection
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results