Clint Bondad posts photo with girl with "pretty eyes"; netizens ask: are they dating?

by Rachelle Siazon
Oct 2, 2019
Kapuso hunk Clint Bondad piques curiosity of netizens with his photo of mystery girl on Instagram.
PHOTO/S: @clintbondad Instagram

Dating ba ang status ni Clint Bondad at ng hindi pinangalanang babae na inilantad ng Kapuso actor-model sa kanyang Instagram?

Ito ang tanong ng netizens sa ipinakitang litrato ni Clint kasama ang isang hindi kilalang babae nitong Miyerkules, October 2.

Matalinhagang saad ni Clint sa kanyang caption: "Pretty Eyes Tell the Best Stories."

Walang iba pang detalyeng inilagay si Clint tungkol sa kanyang mystery girl na bahagyang natakpan ang mukha ng kanang kamay nito.

Continue reading below ↓

DATING RULE?

Kahapon lang, October 1, naghayag si Clint ng kanyang saloobin tungkol sa dating rule pagkatapos ng isang breakup.

Ang siste, malaya raw makipag-date ang isang lalaki sa oras na humiling ng breakup kung sinuman ang nobya nito.

Kung may balak makipagbalikan ang babae, dapat ay linawin daw nitong may deadline ang hiling na breakup para hindi raw nanghuhula ang lalaki kung saan ito lulugar.

Pahabol pang mensahe ni Clint sa mga kalalakihan, mag-ingat sa mga babaeng nakipag-break, pero aalma kapag nalamang may idine-date nang iba ang lalaking hiniwalayan.

Habang isinusulat ang artikulong ito, burado na ang caption ni Clint tungkol sa kanyang personal na opinyon tungkol sa breakup at dating anew.

NETIZENS REACT

Samantala, hati ang reaksiyon ng Instagram followers ni Clint hinggil sa pag-post niya ng litrato kasama ang isang hindi pinangalanang babae.

May ibang natuwa sa posibilidad na may idine-date na ulit si Clint, habang ang iba naman ay nagsasabing maniniwala lang silang may ugnayan ang dalawa kung finollow na ni Clint ang babae sa Instagram.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

May iba namang nanghihinayang pa rin sa natuldukang six-year relationship noon ni Clint at ni Miss Universe 2018 Catriona Gray.

Sa kasalukuyan, ang tanging pina-follow ni Clint sa Instagram ay isang account na may inspirational quotes.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapuso hunk Clint Bondad piques curiosity of netizens with his photo of mystery girl on Instagram.
PHOTO/S: @clintbondad Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results