La Salle player Jordan Bartlett quashes speculations linking him to Miss Universe 2018 Catriona Gray

by Rachelle Siazon
Oct 2, 2019
La Salle player Jordan Bartlett on cozy photo with Miss Universe 2018 Catriona Gray: "I just asked her for a picture. That is all"
PHOTO/S: @halfaflip Instagram

Nilinaw ni Jordan Bartlett na walang katotohanan ang espekulasyong may namamagitan sa kanila ni Miss Universe 2018 Catriona Gray.

Ito ay matapos kumalat sa social media ang litrato nila ni Catriona kung saan makikitang kumportable silang nakaupo sa isang sofa.

Si Jordan, 22, ay baguhang point guard ng De La Salle University Green Archers.

Nang unang ipinost ni Jordan ang larawan nila ni Catriona sa Instagram, dalawang crown emojis ang tanging caption niya rito.

Continue reading below ↓

Noong Sabado, September 28, may ilang netizens ang nag-repost nito sa Facebook na naging mitsa upang mapag-usapan kung mayroon nga bang ugnayan ang dalawa.

Maya-maya pa ay tila in-edit ng binata ang kanyang caption upang bigyang-linaw kung bakit sila magkasama ng 25-year-old beauty queen.

"Had dinner with Ms. Universe and friends!!

"It was an honor to meet you @catriona_gray & thank you for listening to my lava walk story," saad ni Jordan.

JUST A PHOTO-OP

Sa comments' section, sinagot din ni Jordan ang tanong ng netizens kung nagdi-date nga ba sila ni Catriona.

Paglilinaw ni Jordan (published as is): "To all those asking ~ I just asked her for a picture. That is all :)"

Nagkomento rin ang celebrity stylist na si Ton Lao na parehong kilala sina Catriona at Jordan.

Tanong kasi ng isang netizen: "Siya na ba ang nagpapatibok sa puso ni Queen Cat?"

Sagot ni Ton: "Not at all. I hosted a dinner that night for Cat, and it just so happened that Jordan is there to borrow clothes from me..."

Continue reading below ↓

Nang makita raw ni Jordan si Catriona ay saka ito nagpakuha ng litrato sa beauty queen.

Gayunman, hindi na makikita ang litrato nina Jordan at Catriona sa Instagram feed ng basketball player.

CLINT BONDAD'S REACTION

Tiyempo namang nasangkot sa isyu si Clint Bondad na ex-boyfriend ni Catriona.

Dagdag pa rito ang kumalat na screenshot kunsaan isa si Clint sa mga nag-like ng picture nina Catriona at Jordan sa Instagram.

Nasundan ito ng matalinhagang Instagram post ni Clint tungkol sa usapang breakup, nitong October 1, Martes.

Naniniwala raw si Clint na sa oras na nakipag-break ang isang babae sa isang lalaki, hudyat daw iyon na puwede nang makipag-date ang lalaki sa kung sinuman ang matipuhan nito.

Hindi raw para manghula pa ang lalaki kung saan ito dapat lumugar.

Sa comments' section, isang netizen ang nagtanong kay Clint kung apektado ba ang Kapuso actor sa bali-balitang may nauugnay na ibang lalaki kay Catriona.

Continue reading below ↓

Pinabulaanan ito ni Clint.

Kalakip ng burning emojis, sabi ni Clint (published as is): "there are always rumours.

"Don't read into everything too much.

"People like pretending they know shit like its 221B Baker Street"

HOT STORIES

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
La Salle player Jordan Bartlett on cozy photo with Miss Universe 2018 Catriona Gray: "I just asked her for a picture. That is all"
PHOTO/S: @halfaflip Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results