Maine Mendoza's nine-year-old dream just came true

by Jet Hitosis
Oct 3, 2019
Kapuso artist Maine Mendoza visits the MYX studio inside the ABS-CBN headquarters on Wednesday, October 2, to promote her movie Isa Pa With Feelings.
PHOTO/S: @mainedcm on Twitter

Makalipas ang siyam na taon, nagkatotoo ang isa sa mga matagal nang pinapangarap ni Maine Mendoza.

Ito ay ang makatapak sa studio ng MYX music channel ng ABS-CBN, at masambit ang karaniwan nang greetings ng celebrities na guests sa show.

Nag-tweet si Maine nitong Miyerkules ng umaga, October 2, tungkol sa katuparan ng pangarap niyang ito nang ibalita sa kanyang followers ang pagbisita niya sa studio ng MYX kahapon.

Kalakip ng post ang pag-retweet ng 24-anyos na Kapuso star sa ipinost niya noong March 2, 2010 na linya ng pagbati ng mga celebrity na nagge-guest sa MYX.

Saad sa old tweet ni Maine: “Hi. You're watching Myx. The number one music channel in the Philippines.”

Sa tweet ni Maine kahapon, ipinost niya ang litrato ng teleprompter na nasusulatan ng, “Hi! I’m Maine Mendoza! And you’re watching MYX, your choice, your music!”

Kasama nito ang isa pang photo ni Maine, habang katabi ang MYX resident VJ na si Robi Domingo.

Continue reading below ↓

“Tweeted this 9 years ago and now I am here at Myx!

“Guest lang naman ako pero waaaahhh nakakatuwa!

“Nice to finally meet you, @robertmarion! (runner, happy person raising one hand emojis).”

CLAIRVOYANT MAINE?

Sa komento ng fans ni Maine, binigyang-diin nila kung paanong nape-predict ng mga tweet ng aktres ang mga susunod na mangyayari sa kanya.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Tinawag pa nga si Maine ng kanyang Twitter followers bilang "Nostradamus."

Si Nostradamus (1503-1566) ang French astrologer-doctor na kilala sa kasaysayan dahil nagkakataong nangyayari ang ilan sa mga prediksiyon niya, na nasa 464-anyos niyang libro na Les Prophéties.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Matatandaang February 7, 2018 nang nag-tweet si Maine ng “fan girl” photo niya kasama si Carlo Aquino nang dumalo siya sa premiere night ng Meet Me In St. Gallen, ang pelikula ng aktor at ni Bela Padilla.

Matapos mapanood ang pelikula, sinabi ni Maine na napahanga siya sa acting ni Carlo, at pangarap niyang makatrabaho ang Kapamilya actor.

Pagsapit ng June 27, 2019, kinumpirma ng Black Sheep, film subsidiary ng ABS-CBN, na magtatambal sa pelikula sina Maine at Carlo.

WORKING WITH CARLO, ABS-CBN

Ang pagbisita ni Maine sa MYX ay bahagi ng pagpo-promote niya para sa pelikula nila ni Carlo, ang Isa Pa With Feelings.

Ipalalabas sa October 16, ang Isa Pa With Feelings ang unang movie project ni Maine sa film production company ng ABS-CBN.

Dahil dito, inaasahang mapapadalas ang guestings ni Maine sa mga programa ng ABS-CBN sa mga susunod na araw.

Nauna kay Maine, ilan nang GMA-7 artists ang nakagawa ng pelikula sa ABS-CBN, gaya nina Dingdong Dantes (One More Try, Unmarried Wife, Seven Sundays), Jennylyn Mercado (Just The 3 of Us), at ang mismong AlDub love team partner ni Maine na si Alden Richards (Hello, Love, Goodbye).

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapuso artist Maine Mendoza visits the MYX studio inside the ABS-CBN headquarters on Wednesday, October 2, to promote her movie Isa Pa With Feelings.
PHOTO/S: @mainedcm on Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results