Clint Bondad posts cryptic message about learning to be a better man

by Bernie V. Franco
Oct 3, 2019
Clint Bondad posts on Instagram about his mission in life: "Learning and improving myself into who I want to be is all I am about."
PHOTO/S: Noel Orsal

Naghayag ng saloobin si Clint Bondad, 25, tungkol sa kanyang pansariling adhikain: ang patuloy na ma-improve ang sarili.

Idinaan ng Filipino-German model-turned-actor sa post sa Instagram Story ang paglalabas ng kanyang sentimyento nitong Huwebes, October 3.

Bungad ni Clint, “I am nobody but a man learning how to be better

“I found my life’s mission… WOW, this absolutely feels powerful to know.”

Continue reading below ↓

Pagpapatuloy ng Kapuso hunk, “If I ever happen to lose myself (again) then that’s all I have to think about…

“Learning and improving myself into who I want to be is all I am about.

“That’s not even something I like doing .

“It’s just my innermost nature.”

Continue reading below ↓

Walang paliwanag si Clint kung ano ang pinanggagalingan ng kanyang post.

Pero nitong Miyerkules, October 2, nag-post si Clint ng larawan niya sa Instagram na may kasamang hindi pinangalanang babae.

Sunud-sunod naman ang comments mula sa netizens na nagtatanong kung ang kasama niyang babae ang bagong pinopormahan ni Clint.

Magkahalo ang reaksiyon ng netizens.

May mga bumabati sa kanya dahil tila may bago nang napupusuan ang hunk actor.

Ang iba naman ay negatibo ang reaksiyon at patuloy pa rin siyang iniuugnay sa dating girlfriend na si Miss Universe 2018 Catriona Gray, 25.

May ilan namag nagtanong kung ang pagpu-post ni Clint ng picture kasama ang isang mystery girl ay reaksiyon niya sa mga lumabas na larawan ni Catriona at ng Green Archers point guard player na si Jordan Bartlett, 22.

May mga netizen kasing binigyang-kulay ang larawan nina Catriona at Jordan dahil masyado raw silang close sa kuha.

Nilinaw naman ni Jordan sa isang comment na nagkataon lang na nagkita sila ni Catriona sa isang dinner gathering at nag-request ang basketball player na magpa-picture kasama ang beauty queen.

Continue reading below ↓

Kasunod ng isyung ito ay nag-post si Clint sa Instagram noong October 1, Martes, tungkol sa usaping breakup.

Ayon kay Clint, may kalayaan nang makipag-date ang lalaki sa iba sa sandaling makipag-break sa kanya ang girlfriend.

February 22, 2019 nang kumpirmahin ni Catriona ang breakup nila ni Clint pagkatapos ng anim na taon.

Sa dalawang Instagram posts, sinabi ni Clint na siya ang may mas malaking kasalanan kung bakit nauwi sa hiwalayan ang relasyon nila ni Catriona.

Pagbabahagi ni Clint, sa sobrang pagmamahal kay Catriona ay nakalimutan na niya ang kanyang sarili at ibang bagay na nagpapasaya sa kanya.

Hindi naman malayong ito ang pagkakataon na tinutukoy ni Clint sa kanyang recent post na sinabi niyang "If I ever happen to lose myself (again)..."

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Clint Bondad posts on Instagram about his mission in life: "Learning and improving myself into who I want to be is all I am about."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results