Thea Tolentino confirms open relationship with boyfriend Mikoy Morales

by Rommel Gonzales
Oct 4, 2019
Thea Tolentino on relationship with Mikoy Morales: “Kumbaga, yung nangyayari sa relationship namin is, hindi pa naman kami yung ready na ikasal. So, yung mga hindi pa namin nae-experience na bagay, we’re open na, ‘Sige, okay lang, i-experience mo, ie-experience ko rin.’"
PHOTO/S: Noel Orsal

Kinumpirma ni Thea Tolentino ang sinabi ng boyfriend niyang si Mikoy Morales na walang sakalan ang kanilang relasyon.

“Yes! Kunyari tatanungin ninyo ako, ‘Nasaan si Mikoy?’ ‘Hindi ko alam.’

"Hindi namin alam ang ano ng isa’t isa,” sabi ni Thea nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa mediacon ng Kapuso teledramang Madrasta nitong Setyembre 30, Lunes, sa GMA Network Center, Quezon City.

Gusto ni Thea ang ganitong set-up.

“Actually, wala kaming label talaga. Parang… hindi namin isinasara yung relationship namin dahil lang sa isang title.

“Kumbaga, yung nangyayari sa relationship namin is, hindi pa naman kami yung ready na ikasal.

"So, yung mga hindi pa namin nae-experience na bagay, we’re open na, ‘Sige, okay lang, i-experience mo, ie-experience ko rin.’

“And kahit kunyari magalit ako or magalit siya, ikinukuwento pa rin namin sa isa’t isa, 'tapos pinag-uusapan namin.

Continue reading below ↓

“Dahil lahat naman, nadadaan sa magandang usapan. So, hindi kami nakakaramdam talaga na sakal kami.”

POPULARITY ISSUE

Ayaw tanggapin ni Thea na mas sikat siya kaysa kay Mikoy.

Natanong kasi kung nai-insecure ba si Mikoy dahil mas sikat si Thea.

“Siya, ang dami niyang... dyusko, tatlo po ang show niya at meron siyang isang movie.

“At nag-i-score po siya ng mga movies, hindi ko po kayang gawin yun.”

Nasa The Gift, Pepito Manaloto, at Bubble Gang si Mikoy.

“Mas busy siya,” nakangiting wika ni Thea.

Wala ring kaso kay Thea kung mas angat sa billing at poster ng Madrasta si Arra San Agustin kaysa sa kanya.

“Kasi for me, ang lahat ng nangyayari sa buhay, may rason, may tamang timing.

“So, yung mga bagay na kunyari, nag-audition ako for this role, tapos hindi ko nakuha, may ibig sabihin yun, na hindi ko pa time na malagay sa ganung role.

Continue reading below ↓

“Kumbaga, nire-ready ako ni Lord for something better that I really want.”

Ilang beses nang nagbida si Thea (tulad ng Teen Gen, Pyra: Babaeng Apoy, The Half Sisters, at Asawa Ko, Karibal Ko) pero hindi niya inilagay sa utak niya ang kasikatan.

“Kasi for me, sobrang bonus lang yung fame and ang pinakaimportante is the satisfaction na nagagawa mo yung gusto mo.

“Kasi, meron po tayong kanya-kanyang goal as an artist, yung talagang isinisigaw ng puso mo na ganito ang gusto kong gawin hanggang sa paglaki ko at masaya ako rito!”

Eere ang Madrasta simula October 7, Lunes, sa GMA Afternoon Prime.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Thea Tolentino on relationship with Mikoy Morales: “Kumbaga, yung nangyayari sa relationship namin is, hindi pa naman kami yung ready na ikasal. So, yung mga hindi pa namin nae-experience na bagay, we’re open na, ‘Sige, okay lang, i-experience mo, ie-experience ko rin.’"
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results