Was Cesar Montano invited to daughter Angelina Cruz's debut party?

by Bernie V. Franco
Oct 3, 2019
Last weekend, Sunshine Cruz's eldest daughter Angelina Cruz (left) celebrated her 18th birthday via an intimate party. Some netizens asked if Angelina's father, Cesar Montano (right photo), was invited to the party.
PHOTO/S: @niceprintphoto Instagram / Facebook

Ipinagdiwang ng anak nina Sunshine Cruz at Cesar Montano na si Angelina Cruz ang kanyang ika-18 kaarawan sa Blackbird, Nielson Tower, Makati City, noong September 28, Sabado.

Si Angelina ang panganay sa tatlong anak nina Sunshine, 42, at Cesar, 57.

Ilang oras bago ganapin ang selebrasyon ni Angelina, dumalo muna siya sa isang press conference.

Dito ay ibinahagi ng dalaga sa ilang entertainment press, kabilang ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), na mas pinili niyang gawing intimate ang kanyang selebrasyon.

"It's very, very intimate lang with my very close friends. My family,” pahayag ni Angelina.

"It's gonna be just an intimate dinner. That's it.

"Just a dinner. No program, so it's going to be simple lang.

"I really wanted intimacy lang with the people that I love... I wanted simple lang naman.

"My manager na nga wanted a big debut, but I pushed it to be intimate lang."

Continue reading below ↓

WAS CESAR INVITED TO ANGELINA’S BIRTHDAY?

Pagdating ng Lunes, September 30, nag-post si Sunshine ng ilang mga larawan na kuha mula sa intimate party ni Angelina.

Kabilang sa mga dumalo ay ang celebrity kids na sina Mavy at Cassy, kambal na anak nina Zoren Legaspi at Carmina Villarroel; si Lorin Gutierrez, anak ni Ruffa Gutierrez; at si Leon Barretto, anak nina Marjorie Barretto at Dennis Padilla.

Marami ring ibinahaging larawan si Sunshine kasama si Angelina, gayundin ang dalawa pa niyang anak na sina Samantha at Francheska.

Kapansin-pansin namang wala sa mga litratong ito ang ama ni Angelina na si Cesar.

Sa Instagram posts ni Sunshine, may ilang netizens na nagtanong kung imbitado ba sa debut ng anak si Cesar.

Sinagot ito ni Sunshine sa pamamagitan ng paglalagay ng link ng article ng isang entertainment website kung saan nabanggit ni Angelina na invited ang ama sa kanyang debut.

Continue reading below ↓

Sa presscon na dinaluhan ni Angelina, tinanong ng press si Angelina kung imbitado ba ang kanyang ama sa kanyang party.

“Yes,” simpleng sagot ng dalaga.

Hindi na ito nag-elaborate pa sa kanyang sagot at hindi rin niya sinabi kung dumalo ang ama.

SUNSHINE WISHES CESAR WELL

Bumuhos naman ang mga papuri kay Sunshine mula sa netizens dahil sa magandang pagpapalaki nito sa mga anak.

Continue reading below ↓

Mayroon ding ilang komento na hindi maiwasang banggitin si Cesar at ang nangyaring hiwalayan nila ni Sunshine.

Sabi ng isang netizen, marahil ay nagsisisi raw si Cesar sa pag-iwan sa kanyang pamilya, at sinayang daw nito ang pagkakataong maayos ang kanilang pagsasama.

Sabi pa ng netizen, mukhang naka-move on na si Sunshine mula kay Cesar.

Tanging sagot dito ng aktres: “We wish him well."

Continue reading below ↓

Nagkomento rin ang isang netizen na hindi man sinuwerte si Sunshine sa asawa ay sinuwerte naman daw ito sa kanyang mga anak.

Positive emojis ang isinagot ni Sunshine dito.

Sumagot din si Sunshine sa isang netizen na pinuri ang aktres na mag-isang itinataguyod ang kanyang tatlong anak na babae.

Aniya, “cheers to us single moms! Tough job pero fulfilling.”

Continue reading below ↓

Narito pa ang ilang mga komento ng netizens:

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

April 4, 2014 nang mag-file ng annulment case si Sunshine para mapawalang-bisa ang kasal nila ni Cesar.

September 17, 2018 ay inaprubahan ito ng Quezon City Regional Trial Court (QCRTC), subalit nag-motion for reconsideration ang associate solicitor ng Office of the Solicitor General.

Noong April 3, 2019 ay tuluyan nang ibinasura ng QCRTC ang motion for reconsideration.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Last weekend, Sunshine Cruz's eldest daughter Angelina Cruz (left) celebrated her 18th birthday via an intimate party. Some netizens asked if Angelina's father, Cesar Montano (right photo), was invited to the party.
PHOTO/S: @niceprintphoto Instagram / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results