Alexa Ilacad replies to netizen calling her "low-key girlfriend" of Joshua Garcia

by Rachelle Siazon
Oct 4, 2019
Alexa Ilacad reacts to netizen insinuating that she and her The Killer Bride co-star Joshua Garcia are an item.
PHOTO/S: @no_name_ph via @alexailacad / @chaptersph @joshuavgarcia via @garciajoshuae Instagram

Hindi napigilan ni Alexa Ilacad, 19, na sagutin ang netizen na pinapalabas umanong may relasyon siya at co-star niyang si Joshua Garcia, 21.

Kasunod ito nang pag-post ni Alexa ng screenshots ng eksena nila ni Joshua sa ABS-CBN prime-time series na The Killer Bride.

Sa teleserye, si Janella Salvador ang love team ni Joshua at si Alexa ang kontrabidang pilit na pumapagitna sa dalawa.

Continue reading below ↓

Komento ng netizen (published as is): "nagpost kasi si janella ang lt,dapat magpost din ang low key gf."

Pinabulaanan ni Alexa ang alegasyong umaarte siyang low-key girlfriend ni Joshua.

Sagot ni Alexa sa netizen (published as is): "hahaha pinagsasabi mo po?? issue ka. you do note"

Komento ulit ng netizen, tila totoong may inililihim daw sina Alexa at Joshua dahil apektado ang dalaga.

Continue reading below ↓

Paliwanag ng netizen: "kaya nga i do note know, kasi secret. di ka, papatol sa akin, kung di totoo hahaha."

Sabi naman ni Alexa: "pumapatol ako kasi joke time ka.

"kung totoo yun, mananahimik ako at patay malisya"

JOSHUA GARCIA'S MAGIC TRICK

Minsan na ring nag-post si Alexa ng patunay ng magandang samahan nila ni Joshua at iba pang co-stars sa set ng kanilang teleserye.

Continue reading below ↓

Sa kanyang Instagram post noong September 4, ipinakita ni Alexa kung paano siya "inuto" ni Joshua sa "mahiwagang piso" magic trick nito.

"BAGAY SILA"

Dito napansin ng ilang netizens na tila "bagay" raw sina Joshua at Alexa.

Narito ang kanilang reaksiyon:

Continue reading below ↓

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Alexa Ilacad reacts to netizen insinuating that she and her The Killer Bride co-star Joshua Garcia are an item.
PHOTO/S: @no_name_ph via @alexailacad / @chaptersph @joshuavgarcia via @garciajoshuae Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results