Joseph Marco confirms relationship with Filipino-Italian beauty queen

by Rachelle Siazon
Oct 4, 2019
As he turns 31 today, October 4, Kapamilya actor Joseph Marco declares his love for Miss Earth Philippines 2018 Celeste Cortesi.
PHOTO/S: @josephcmarco Instagram

Sa kauna-unahang pagkakataon, ipinakilala ni Joseph Marco si Miss Earth Philippines 2018 Celeste Cortesi na siyang nagmamay-ari ng kanyang puso.

Si Celeste, 21, ay isang Filipino-Italian na sumali sa Miss Earth Philippines bilang representative ng Filipino community sa Rome, Italy.

Sa kanyang ika 31-kaarawan ngayong Biyernes, October 4, ibinahagi ng Kapamilya actor ang litrato kunsaan makikitang masuyo niyang binigyan ng kiss sa cheek si Celeste.

Kalakip nito ang sweet message ni Joseph para kay Celeste, na naka-tag din sa Instagram post ng dating Los Bastardos actor.

"Just a moment ago, I thought of you and my heart was filled with gratitude... thank you for existing. I love you."

Continue reading below ↓

Kagabi, October 3, may Instagram Story si Celeste habang nakasakay sila ng sasakyan ni Joseph.

Wala mang ipinu-post si Celeste na litrato nila ni Joseph sa Instagram, mapapansing noon pang July 2019 ay makailang-beses nang nag-iiwan ng sweet comments si Joseph Marco sa dalaga.

Nang hindi makadalo si Celeste sa turnover niya ng korona noong Miss Earth Philippines 2019, may comment si Joseph sa kanyang "Get well soon my queen."

Continue reading below ↓

Minsan naman ay gumamit ang binata ng salitang Italian na ang translation ay "I can watch you all day" para magpa-sweet kay Celeste.

Continue reading below ↓

Nagpapalitan din ang dalawa ng simpleng heart emojis sa Instagram.

Samantala, ang dating Los Bastardos co-stars ni Joseph na sina Jake Cuenca at Kylie Verzosa ang ilan sa mga kinilig para sa blooming love life ng birthday boy.

Ganoon din sina Sunshine Cruz, Enzo Pineda, at Yam Concepcion na nag-iwan ng comment para kay Joseph.

Continue reading below ↓

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
As he turns 31 today, October 4, Kapamilya actor Joseph Marco declares his love for Miss Earth Philippines 2018 Celeste Cortesi.
PHOTO/S: @josephcmarco Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results