Lisa Macuja-Elizalde loses "gifts" from husband a day before her 55th birthday

by Jet Hitosis
Oct 4, 2019
Prima ballerina Lisa Macuja-Elizalde celebrates her 55th birthday on October 3, 2019, a day after a four-hour fire gutted Star City amusement park and damaged Star Theatre and Aliw Theatre—two of the most memorable gifts that she received from husband Fred Elizalde—on Wednesday, October 2.
PHOTO/S: @lisamacuja on Instagram

Isang araw bago ang kanyang 55th birthday, naglaho ang dalawang mahahalagang regalong natanggap ng prima ballerina na si Lisa Macuja-Elizalde mula sa kanyang asawa.

Nadamay kasi ang Star Theatre at Aliw Theatre sa pagkakatupok ng Star City amusement park sa Pasay City nitong Miyerkules, October 2.

Sa kanyang Facebook at Instagram posts kahapon, October 3, birthday ni Lisa, ipinagmalaki niyang ang 850-seater na Star Theater ay iniregalo sa kanya ng asawang si Fred Elizalde, 19 taon na ang nakalilipas.

Makaraan ang dalawang taon, ipinatayo naman ni Fred para kay Lisa ang Aliw Theater, na may 2,500 seating capacity.

Si Fred ang may-ari ng Star Parks Corporation, na nangangasiwa sa Star City.

HOMES OF LISA’S BALLET MANILA

Saad sa post ni Lisa: “19 years ago, Fred gave me an 850 seater theater named Star in the middle of his amusement park named Star City.

“Two birthdays later he gave me Aliw Theater. This time the arena like theater could sit 2,500!”

Continue reading below ↓

Sa nakalipas na halos 20 taon, itinanghal sa dalawang teatro ang performances ng Ballet Manila ni Lisa.

Kasunod nito, idinetalye ni Lisa kung paanong kasamang naabo ng Star City ang Star Theater, ang building ng Manila Broadcasting Company, at ang ilang bahagi ng Aliw Theater—isang araw bago ang kanyang birthday.

LISA STILL THANKFUL

Kuwento ni Lisa, “Yesterday, we lost almost everything in a devastating fire that ate up Star Theater, Star City, MBC building and parts of Aliw Theater.”

“Today - on my 55th birthday I would just like to say THANK YOU to all who will remember those glorious years of the park complex that brought so much joy to me, my family, my company and our community!

“Mabuhay po tayong lahat!”

Sa kabila ng nangyari, nagpasalamat si Lisa na walang nasaktan o nasawi sa sunog, na inabot ng apat na oras bago naapula.

Continue reading below ↓

“Thank you to the Lord for NO ONE WAS HURT!” saad pa sa post ng top Pinay ballerina.

“Thank you to all who remember me today!

“Thank you for making me feel so very blessed! #riselikethephoenix #wewillrebuild #starcity #startheater #aliwtheater #mbc #balletmanila #familyiseverything.”

Sinabi ni Ed de Leon, tagapagsalita ng Star Parks Corporation, na tinatayang aabot sa P1 billion ang tinupok ng apoy.

Continue reading below ↓

Electrical overload at arson ang sinisilip na sanhi ng sunog, na nagsimula sa stockroom ng Star City, ayon sa Pasay City Bureau of Fire Protection (BFP).

Sinabi rin ni de Leon nitong Miyerkules na sisikapin ng Star Parks na mabuksan pa rin sa publiko ang Star City sa Pasko, ‘tsaka isasara hanggang sa reopening nito sa October 2020.

STAR CITY, DOLE TO ASSIST 500 WORKERS

Kaugnay nito, sinabi sa media ni Rudolf Juralbal, tagapagsalita ng Star City, na magkakaloob ng tulong pinansiyal ang kumpanya sa nasa 500 manggagawa nito na pansamantalang nawalan ng trabaho dahil sa sunog.

Ngayong Biyernes, October 4, inihayag naman ng Department of Labor and Employment (DOLE) na naglaan ito ng P5.5 million para sa emergency employment assistance ng 500 empleyado ng theme park.

Ipatutupad alinsunod sa Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) program ng DOLE, aayudahan ang mga empleyado ng Star City sa susunod na dalawang buwan, ayon sa official statement ng kagawaran.

Continue reading below ↓

Kinumpirma sa DOLE statement na 500 empleyado ng Star City ang kasalukuyang “no work, no pay” ilang buwan bago mag-Pasko.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Prima ballerina Lisa Macuja-Elizalde celebrates her 55th birthday on October 3, 2019, a day after a four-hour fire gutted Star City amusement park and damaged Star Theatre and Aliw Theatre—two of the most memorable gifts that she received from husband Fred Elizalde—on Wednesday, October 2.
PHOTO/S: @lisamacuja on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results