Jak Roberto, Barbie Forteza wish to end up with each other

by Arniel C. Serato
Oct 4, 2019
Barbie Forteza on boyfriend Jak Roberto: "Ang pinakanagustuhan ko kay Jak, kasi ang sabi nila kapag nanligaw ang lalaki, best foot forward 'yan. Magpapabango 'yan sa mga magulang, sa ’yo, effort. Siya, hanggang ngayon, two years na kami, ganun pa rin siya. And better and better each day, non-stop ang effort.”
PHOTO/S: Arniel Serato

Dalawang taon at limang buwan na ang relasyon nina Jak Roberto, 25, at Barbie Forteza, 22.

Naging opisyal ang kanilang relasyon noong May 19, 2017.

Wala raw silang malaking problemang kinaharap sa lagpas dalawang taon ng kanilang relasyon.

Wala ring intriga sa samahan ng Kapuso couple.

Kaya nama, hindi maiwasang matanong kung hangad na ba nilang maging sila hanggang sa huli?

Nakangiting sagot ni Jak, “I do, Father.”

Pabirong dagdag pa ng aktor, “Akala ko kasi kasal na, e.”

Kuwento ni Barbie, “Wala naman na akong ibang plano na mag-iba pa.

“Unless for show lang ito, wala naman akong ibang plano na makipagbalikan pa kay Ryan Gosling.”

Si Ryan Gosling ay Hollywood actor na kilala sa mga pelikulang La La Land, The Notebook, at The Nice Guys.

Tanong pa ni Barbie sa nobyo, “Ikaw ba?”

Mabilis na tugon ni Jak, "Aba, siyempre.”

Dagdag pa ng binata, "Palagi namang tinatanong sa akin kung ikaw na daw ba?

Continue reading below ↓

"Lahat naman po ng nagiging karelasyon ko, nandoon na, siniseryoso ko na, 'Siya na nga.'

"Kung siya na talaga, siya na."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang piling press sina Barbie at Jak sa pocket presscon ng Wagas episode nilang Wait Lang… Is This Love?, Huwebes, October 3, sa Tiyo Craft Kitchen & Bar, Tomas Morato, Quezon City.

Continue reading below ↓

smooth-sailing relationship

Masaya rin daw si Jak dahil hindi “controlling girlfriend” si Barbie.

“In fairness kay Barbie, supportive talaga 'yan—bukod sa pagmu-motor ko, yun lang talaga.

“Alam mo naman yung pagiging caring niya sa part na yun, kasi hindi niya ako pinapayagang mag-motor para na rin sa safety ko.

“And siya pa nga yung... parang na-realize niya na parang ‘boys thing,’ na yun talaga ang gusto ko, siya na yung nagreregalo ng helmet, gloves, gear.

Nasa lugar daw kung magsabi si Barbie ng mga bagay na tutol ito.

“'Tsaka isa ring malaking bagay yung expressive siya, e.

“Sinasabi niya kaagad kung ayaw niya, 'tsaka mararamdaman ko sa kanya kapag gusto niya.

“She’s a typical girl naman na alam mo yung gusto.

Puno ng paghangang paliwanag pa ni Jak, “Pero kakaiba siya, in a way na hindi siya kagaya nung ibang babae na masyadong superior, kumbaga maluwag siya sa ka-partner.

Continue reading below ↓

“Hindi siya nananakal.”

Sabi naman ni Barbie, consistent bilang boyfriend si Jak.

“Ang pinakanagustuhan ko kay Jak, kasi ang sabi nila kapag nanligaw ang lalaki, best foot forward 'yan.

"Magpapabango 'yan sa mga magulang, sa ’yo, effort.

"Siya, hanggang ngayon, two years na kami, ganun pa rin siya.

"And better and better each day, non-stop ang effort.”

WORKING TOGETHER AGAIN

Mapapanood bago mag-Eat Bulaga! araw-araw sa GMA-7 ang Wagas, kung saan ang episode nilang may pamagat na Wait Lang… Is This Love? ay nagsimula nang umere noong Lunes, September 30.

Kuwento ito ng isang babaeng NBSB o no boyfriend since birth dahil na rin sa mga istrikta at overprotective niyang mga tiyahin na ginagampanan nina Yayo Aguila at Tina Paner.

Ngunit mag-iiba ang pananaw niya sa pag-ibig nang muli silang magkita ng kanyang childhood friend at “puppy love” na ginagampanan ni Jak.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Barbie Forteza on boyfriend Jak Roberto: "Ang pinakanagustuhan ko kay Jak, kasi ang sabi nila kapag nanligaw ang lalaki, best foot forward 'yan. Magpapabango 'yan sa mga magulang, sa ’yo, effort. Siya, hanggang ngayon, two years na kami, ganun pa rin siya. And better and better each day, non-stop ang effort.”
PHOTO/S: Arniel Serato
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results