Miss Eco Teen Philippines 2019 dethroned for unprofessional behavior, indecency

by Bernie V. Franco
Oct 4, 2019
Vanessa Mae Walters, the first-ever Miss Eco Teen Philippines ,was dethroned by the Miss World Philippines Organization for failing to do her duties.
PHOTO/S: @vanessamaewalters on Instagram

Tuluyan nang tinanggalan ng korona si Vanessa Mae Walters, 19, bilang Miss Eco Teen Philippines 2019 dahil sa mga paglabag sa tungkulin, ayon mismo sa national director ng Miss World Philippines Organization na si Arnold Vegafria.

Noong nakaraang linggo, kumalat ang blind item mula sa ilang pageant enthusiasts na isang beauty queen ang nanganganib ma-dethrone dahil sa hindi magandang asal at pagpu-post nito ng mapangahas na larawan.

Sa official statement na inilabas ng Miss World Philippines ngayong Biyernes, October 4, tinukoy rito ang tatlong paglabag ni Vanessa na naging basehan para tanggalan siya ng korona: misrepresentation of her credentials, unprofessional behavior, at indecency.

Ayon sa statement: “The Miss World Philippines Organization wishes to maintain high ethical and moral standards and uphold the integrity of the title holders.

“As Miss Eco Teen Philippines, Ms. Vanessa Mae Walters is expected to act as an ambassador of the Philippines in the Miss Eco Teen competition, represent the Organization in a professional matter, and serves as a role model for the youth.”

Continue reading below ↓

Kaugnay ng “unprofessional behavior,” binanggit ang mga pagkakataong nilabag ito ng teen beauty queen.

Kabilang dito ang hindi pagdalo ni Vanessa sa functions upang i-promote ang kanyang titulo, ang pagwu-walk out niya sa mga meeting na ipinatatawag ni Vegafria, at pagtanggi niyang pirmahan ang kontrata kasama ang organisasyon.

Pagdating naman sa Indecency, binanggit ang mga lumabas na nude photo ni Vanessa sa social media at ang "public display of alcohol and tobacco use."

Noong nakaraang linggo ay isang mapangahas na larawan ang ipinost ni Vanessa sa mismong Instagram account niya.

Continue reading below ↓

Si Vanessa ay napipintong palitan ni Mary Daena Zaide Resurreccion, na isa rin sa kandidata ng Miss World Philippines 2019.

Ang Miss World Philippines 2019 ay ginanap noong September 14, 2019 sa Smart Araneta Coliseum, Quezon City.

Si Vanessa ang kauna-unahang Miss Eco Teen Philippines.

Narito ang buong official statement ng Miss World Philippines Organization hinggil sa pag-dethrone kay Vanessa:

Continue reading below ↓

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vanessa Mae Walters, the first-ever Miss Eco Teen Philippines ,was dethroned by the Miss World Philippines Organization for failing to do her duties.
PHOTO/S: @vanessamaewalters on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results