Barbie Forteza, sang-ayon sa sinabi ni Anne Curtis tungkol sa pregnancy / marriage questions
by Arniel C. Serato Tinanong si Barbie Forteza kung ano ang masasabi niya sa naging komento ni Anne Curtis kamakailan tungkol sa pagtatanong ng "pregnancy / marriage questions."
Sagot ni Barbie, kahit na friends ang mga artista sa showbiz press, may mga limitasyon pa rin daw dapat sa pagtatanong.
Ani Barbie, "Sa akin personally, hindi ko rin gets kung bakit kailangang tanungin. I mean kung may plans, malalaman at malalaman niyo din naman po yun, kung mabubuntis, malalaman at malalaman niyo din naman po yun. No need to ask."
Subscribe to our YouTube channel! http://bit.ly/PEPYouTubeChannel





