Legendary actress, movie queen Amalia Fuentes passes away at 79

by Erwin Santiago
Oct 4, 2019
Legendary actress Amalia Fuentes, who was tagged as the "Elizabeth Taylor of the Philippines," passed away Saturday morning, October 5, 2019. She was 79.
PHOTO/S: Facebook / Noel Orsal

Pumanaw na ang legendary actress na si Amalia Fuentes.

Binawian ng buhay ang dating movie queen dahil sa cardiac arrest nitong Sabado ng madaling-araw, October 5, sa St. Luke's Medical Center, Bonifacio Global City, Taguig. Siya ay 79.

Inanunsiyo ng kanyang mga apo na sina Alfonso, Alyanna, at Alinna Martinez ang pagpanaw ni Amalia sa pamamagitan ng social media ngayong umaga.

Pahayag ni Alfonso sa kanyang Facebook post: "It is with great sadness that I together with my siblings Alyanna and Alissa, inform you that our Grandmother, Amalia Amador Muhlach has taken her last breath this morning in the Philippines.

"She is now reunited with her husband Joey Stevens, our mother Anna-Lissa Martinez and her ex-husband, our Lolo Bobby.

"We have prayed for nothing but peace for her and now she can finally rest.

"Our family only asks that you respect our privacy during this time and join us in praying for her soul."

Continue reading below ↓

Ganito rin ang naging mensahe ni Alyanna sa kanyang Facebook account.

Continue reading below ↓

Si Alissa naman ay nag-post sa Instagram ng lumang litrato ni Amalia at ng anak nitong si Liezl Martinez.

Caption ni Alissa: "My beautiful Lola is now reunited with my mama ???? rest well Lola. I love you so much."

Sina Alyanna, Alfonso, at Alissa ay mga apo ni Amalia sa kanyang nag-iisang anak na si Liezl Martinez, na nauna nang pumanaw dahil sa breast cancer, sa edad na 47, noong March 14, 2015.

Continue reading below ↓

Ang ama nina Alyanna, Alfonso, at Alissa ay ang aktor na si Albert Martinez.

Nag-post din sa kanyang Facebook account ang pamangkin ni Amalia na si Niño Muhlach.

Kalakip ang video kung saan kinakantahan ng anak ni Niño na si Alfonso Muhlach si Amalia, ito ang mensahe ng dating Child Wonder: "Rest in Peace Tita Nena
We will miss you!"

Continue reading below ↓

Noong October 2015, ilang buwan lamang makalipas pumanaw ni Liezl, ay na-stroke si Amalia habang nagbabakasyon sa South Korea.

Mula noon ay naging bedridden na ang beteranang aktres.

Muli lang siyang nasilayan ng publiko sa birthday party ng kanyang kapatid na si Alex Muhlach noong June 2017.

ELIZABETH TAYLOR OF THE PHILIPPINES

Si Amalia ay binansagan bilang "Elizabeth Taylor of the Philippines" dahil sa pagkakahawig niya sa yumao na ring legendary Hollywood actress.

Nagsimula ang movie career ni Amalia nang manalo sila ni Juancho Gutierrez bilang Mr. & Ms. Number One ng Sampaguita Pictures noong 1956.

Noong taong ding iyon ay inilunsad sina Amalia at Juancho sa pamamagitan ng pelikulang Movie Fan.

Pagkatapos nito ay nagkasunud-sunod na ang pagtatambal nila sa mga pelikula kabilang na ang Rodora (1956), Sonata (1957), Pakiusap (1959), at Ang Senyorito at Ang Atsay (1963).

Ngunit mas naging popular ang love team ni Amalia sa aktor na si Romeo Vasquez, na kalaunan ay napangasawa niya.

Continue reading below ↓

Ilan sa mga pinagtambalan nilang pelikula ay ang Pretty Boy (1957), Bobby (1958), Ako Ang May Sala (1958), at Bilanggong Birhen (1960).

Bukod sa pagiging aktres ay naging direktor, writer, at film producer din si Amalia sa pamamagitan ng kanyang sariling film company, ang AM Productions.

Siya ang nagsulat ng screenplay ng mga pelikulang Tatlong Kasaysayan Ng Pag-ibig (1966) at Ito Ang Aming Kasunduan (1973).

Noong 1976 ay idinirek niya, katuwang si Fely Crisostomo, ang pelikulang Mga Reynang Walang Trono kunsaan sila ni Vilma Santos ang mga bida.

Sa mahigit na limang dekada niya sa Philippine movie industry, dalawang beses nanalong Best Actress si Amalia: sa FAMAS noong 1966 para sa Ibulong Mo Sa Hangin at sa 1973 Manila Film Festival para sa Pag-ibig Mo Buhay Ko.

Huli siyang napanood umarte sa teleseryeng Huwag Ka Lang Mawawala, na pinagbidahan ni Judy Ann Santos, noong 2013.

Dalawang beses ikinasal si Amalia.

Continue reading below ↓

Ikinasal sila ng dating leading man na si Romeo Vasquez sa Hong Kong noong 1965, ngunit nagkahiwalay sila noong 1969. Isa ang naging anak nila, si Liezl Sumilang-Martinez.

Pagkatapos ng ilang taon ay ikinasal siya sa American businessman na si Joey Stevens, ngunit nag-divorce sila pagkatapos ng 28 taong pagsasama. Mayroon silang isang adopted son, si Geric Stevens.

Kilala rin si Amalia sa kanyang pagiging palaban, at ilang beses na siyang nasangkot sa mga kontrobersiya.

Hindi rin kaila sa publiko ang naging alitan nila noon ng kanyang anak na si Liezl at ng asawa nitong si Albert Martinez.

Sa kabila nito, hindi matatawaran ang naging ambag ni Amalia sa industriya ng Pelikulang Pilipino na nagpamahal sa kanya sa marami nating kababayan.

Higit sa lahat, dahil sa kanyang pagsusumikap at pagsasakripisyo, naitaguyod niya ang kanyang pamilya.

Bukod kay Niño Muhlach, ang iba pang mga pamangkin ni Amalia na nasa showbiz ay sina Aga Muhlach, Arlene Muhlach, Almira Muhlach, at AJ Muhlach.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Legendary actress Amalia Fuentes, who was tagged as the "Elizabeth Taylor of the Philippines," passed away Saturday morning, October 5, 2019. She was 79.
PHOTO/S: Facebook / Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results