Aiko Melendez fondly remembers working with Tony Mabesa

by Rommel Gonzales
Oct 5, 2019
Actress Aiko Melendez reveals the lessons she learned from working with the late Tony Mabesa.
PHOTO/S: Noel Orsal / Jerry Olea

Isa si Aiko Melendez sa mga nalungkot sa pagpanaw ng beteranong theater, film, at television actor na si Tony Mabesa.

Pumanaw si Tony nitong Oktubre 4, Biyernes ng gabi. Siya ay 84.

“I’m very sad, kasi madami ko nang beses naka-work si Sir Tony,” sabi ni Aiko sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa pamamagitan ng Facebook private messaging ngayong Sabado, Okrubre 5.

Muntik na raw niyang naging guro niya si Tony sa University of the Philippines sa Diliman.

“And nung nag-exams ako sa Theatre Arts sa UP, siya ang professor dun and sa kanya ako nag-monologue and pumasa ako.

“Kaso, hindi ko lang naituloy yung course ko because naging napaka-hectic ng schedule ko sa pag-aartista.

“We worked together in many Maryo de los Reyes films. Kaya sobrang nalulungkot ako.”

Huli silang nagkatrabaho sa MMFF 2018 film na Rainbow’s Sunset, sa direksiyon ni Joel Lamangan.

Continue reading below ↓

Ayon kay Aiko, “Napaka-professional ni Sir Tony, noon at hanggang nitong huling pelikula na nakasama namin siya.

"And that’s something na natutunan ko sa kanya, yung propesyonalismo sa trabaho.

“And to always know your lines even before ka tatapak sa set, alam mo na dapat ang lines mo, dapat handa ka.”

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actress Aiko Melendez reveals the lessons she learned from working with the late Tony Mabesa.
PHOTO/S: Noel Orsal / Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results