Dethroned Miss Eco Teen Philippines 2019 Vanessa Mae Walters posts cryptic messages

by Bernie V. Franco
Oct 5, 2019
Vanessa Mae Walters, who was stripped of Miss Eco Teen Philippines 2019 title, posts cryptic messages on Instagram.
PHOTO/S: Miss World Philippines Organization Facebook account

Wala pang pahayag si Vanessa Mae Walters tungkol sa pagkaka-dethrone niya bilang Miss Eco Teen Philippines 2019 nitong Biyernes, October 4.

Ngunit base sa kanyang recent Instagram posts, apektado siya sa insidenteng ito.

Mabilis na kumalat sa social media kagabi ang official statement ng national director ng Miss World Philippines (MWP) Organization na si Arnold Vegafria tungkol sa pagbawi ng korona kay Vanessa.

Ang Miss Eco Teen Philippines ay isa sa anim na major crowns sa ginanap na Miss World Philippines 2019 noong September 14, 2019.

Ito rin ang kauna-unahang beses na nagkaroon ng Miss Eco Teen Philippines crown.

Sa official statement ng MWP Organization, binawi ang korona kay Vanessa dahil sa tatlong paglabag: misrepresentation of her credentials, unprofessional behavior, at indecency.

VANESSA’S CRYPTIC POSTS ON INSTAGRAM

Kahapon, kasunod ng paglabas ng official statement ng MWP Organization, ay nag-post si Vanessa sa Instagram ng larawan ng dilaw na magarang kotseng nagkalasog-lasog matapos bumangga sa pader.

Continue reading below ↓

Kulay dilaw ang gown na suot ni Vanessa nang ganapin ang Miss World Philippines 2019 grand coronation.

Ang sumunod niyang post ay screenshot ng balitang pagkaka-dethrone niya at ang caption niya rito ay “Birthday cake #BlessedItMaybe”

Continue reading below ↓

Ipinost din ni Vanessa sa kanyang Instagram Story ang screenshot ng kanyang sagot sa question-and-answer (Q & A) portion ng Miss World Philippines 2019.

Ang tanong kay Vanessa noon: “What important life lesson did you learn the hard way?”

Sagot niya: “I think the hardest lesson I’ve learned in my life is being true to myself and learning to be less authentic than I ever thought I should and I would ever be.

“I think that the more valuable and sensitive I have come into being in this society has been the hardest lesson I have learned in today’s generation.”

Isa sa basehan ng pagbawi sa kanyang korona ay dahil sa kanyang "behavior."

Continue reading below ↓

Magkakahalo ang reaksiyon ng netizens sa mga post ni Vanessa.

May mga nambatikos at mayroon ding nakisimpatiya sa kanya, subalit hindi sumagot sa mga ito si Vanessa.

Sa tatlong violations ni Vanessa, ang entry na “Unprofessional behavior” at “Indecency” ay may paglalarawan.

Sa ilalim ng unprofessional behavior, binanggit ditong hindi dumadalo si Vanessa sa mga function para i-promote ang kanyang titulo.

Nagwo-walk out din daw si Vanessa sa pakikipagpulong niya kay Vegafria at tumanggi raw siyang pirmahan ang kontrata niya sa MWP Organization.

Sa ilalim naman ng indecency, binanggit dito ang pagkalat ng nude photos ni Vanessa sa social media.

Ipinost ni Vanessa sa kanyang Instagram ang isang nude photo niya na tila kuha sa isang pictorial.

Binanggit ding may “public display of alcohol and tobacco use” si Vanessa.

Si Vanessa ay kinoronahang Miss Teen Earth Philippines noong 2014 sa edad na 14.

Siya ay lumaki sa Australia at bumalik sa Pilipinas noong siya ay 12 anyos.

Continue reading below ↓

Ang kanyang mga magulang ay tubong Cebu.

Si Vanessa ay pinalitan ni Mary Daena Zaide Resurreccion, na isa sa mga kandidata ng Miss World Philippines 2019.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vanessa Mae Walters, who was stripped of Miss Eco Teen Philippines 2019 title, posts cryptic messages on Instagram.
PHOTO/S: Miss World Philippines Organization Facebook account
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results