Sisters Claudine, Gretchen Barretto still on good terms

by Bernie V. Franco
Oct 5, 2019
Claudine Barretto (left) replies to a netizen who asked if she and sister Gretchen (right) are fighting again.
PHOTO/S: @pornstar_roviel and @juansarte on Instagram

Tiniyak ni Claudine Barretto, 40, na nananatiling maganda ang relasyon nila ng kanyang nakatatandang kapatid na si Gretchen Barretto, 49.

Ito ay matapos kumustahin ng isang netizen si Claudine kung magkabati pa ba sila ng kanyang ate.

Nagsimula ito nang mag-post si Claudine sa Instagram noong October 2, Miyerkules, ng larawan ng magkahawak na kamay ng dalawang tao.

Sa caption, sinabi ni Claudine na ang nagmamay-ari ng mga kamay ay ang kanyang ina na si Estrella Barretto at ang amang si Miguel Barretto, na kasalukuyang nasa ospital.

Hindi nagdetalye si Claudine kung ano ang sakit ng ama.

Sa comments section, inusisa ng isang netizen si Claudine kung may away ba sila uli ni Gretchen.

Paniniyak ni Claudine: “of course not po.Busy lang po ako nag aalaga sa Mom & Dad ko.”

Continue reading below ↓

Pinatotohanan naman ito ni Gretchen nang magkomento siya sa post ni Claudine tungkol sa academic award ng anak niyang si Sabina nitong Biyernes, October 4.

Ni-like ni Gretchen ang naturang post at binati si Sabina sa comments section.

Nagpasalamat naman si Sabina sa kanyang tita.

February 2019 nang wakasan nina Gretchen at Claudine ang kanilang hidwaan.

Gayunpaman, hindi pa rin nakikipag-ayos si Gretchen sa kanyang mga magulang.

Continue reading below ↓

NETIZENS ASK IF GRETCHEN RECONCILED WITH HER PARENTS

Samantala, sa mga post ni Claudine kamakailan tungkol sa pagkakaospital ng ama, maraming netizens ang nagtanong kung bibisita ba si Gretchen sa amang may sakit at kung nagkaayos na ba sila.

Ang iba naman, umaasang magkabati-bati na ang magkakapatid para sa kanilang ama.

Hindi sinagot ni Claudine ang mga tanong na ito ng netizens.

Hindi lingid sa mga sumusubaybay sa buhay ng mga Barretto na matagal nang may hidwaan si Gretchen at ang kanyang mga magulang.

May hidwaan din sa pagitan ng magkakapatid; magkakampi sina Gretchen at Claudine, habang hindi nila kasundo si Marjorie Barretto.

Narito ang ilang komento ng netizens na nag-uusisa tungkol relasyon ng magkakapatid at sa kanilang mga magulang:

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Claudine Barretto (left) replies to a netizen who asked if she and sister Gretchen (right) are fighting again.
PHOTO/S: @pornstar_roviel and @juansarte on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results