Kyline Alcantara, umamin na na-bully ng kapwa young actress

by Rommel R. Llanes
Oct 5, 2019
Pagkatapos basahin ang tanong kung sino ang artistang nam-bully sa kanya noon, nagbigay ng mensahe si Kyline Alcantara para rito.
Video: Summit Video Team.

Sa kanyang PEP Live appearance, sumabak sa PEP Challenge ang young actress na si Kyline Alcantara.

Ang PEP Challenge ay "Seal or Reveal," kunsaan binigyan ng tatlong envelope si Kyline. May lamang mga nakasulat na tanong ang bawat envelope. Babasahin muna ni Kyline sa sarili ang bawat tanong at magdedesisyon kung sasagutin niya ang tanong (Reveal) o hindi (Seal).

Kung hindi niya sasagutin, kailangang uminom siya ng laman ng bawat baso na katapat ng bawat envelope.

Sa unang envelope na binuksan, binasa at sinagot ni Kyline ang tanong.

"Kung may kapwa artista kang bibigyan ng Black Lipstick, sino ito at bakit?"

Ang nabanggit na lipstick ang misteryosong pampaganda na ginamit ng character ni Kyline sa launching movie niyang Black Lipstick na ipalalabas na sa October 9. Isang teenager na may skin condition na vitiligo ang ginagampanan ni Kyline, na nagbabago ang anyo pagkatapos gumamit ng nasabing lipstick.

Sagot ni Kyline kung sino ang artistang bibigyan ng Black Lipstick, "Ang aking mahal na mahal na si Tekla."

Kasamahan ni Kyline ang komedyanteng si Super Tekla sa Sunday PinaSaya ng GMA-7.

Hindi naman sinagot ni Kyline ang tanong sa pangalawang envelope na binuksan. At dahil doon, kinailangan niyang inumin ang laman ng basong katapat ng envelope.

Sa pangatlong envelope, binasa muna ni Kyline sa sarili ang tanong at saka nagdesisyon na basahin na rin ito para sa PEP Live.

"Sino ang artistang nam-bully sa iyo noon at ano ang mensahe mo sa kanya?"

Panoorin ang video nang malaman ang sagot ni Kyline.

Para sa full version ng kanyang PEP Live, panoorin ang video sa ibaba:

Continue reading below ↓



Subscribe to our YouTube channel! http://bit.ly/PEPYouTubeChannel

HOT STORIES

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results