Vice Ganda, Anne Curtis confirm previous misunderstanding

by Arniel C. Serato
Oct 7, 2019
Vice Ganda and Anne Curtis admit that their greatest fight lasted only for one day. The Unkabogable Star says, "'Tapos kinabukasan, sinundot ko lang siya sa puwet, tumawa na siya.”
PHOTO/S: Noel Orsal

Usap-usapang nagkaroon diumano ng malaking away sa pagitan nina Vice Ganda at Anne Curtis sa dressing room ng It’s Showtime ilang taon na ang nakalilipas, ngunit wala ni isa man sa kanila ang umamin tungkol dito.

Hindi rin ito napag-usapan sa media dahil may news blackout diumano tungkol sa nasabing insidente.

Sa presscon para sa ika-10 anibersaryo ng It’s Showtime noong nakaraang linggo, inamin mismo nina Vice at Anne na may nangyari ngang away sa pagitan nila.

Continue reading below ↓

Pagkumpirma ni Vice, “Oo, nagkapikunan kami.

“Yung pinakamalala namin…”

Pagpapatuloy ni Anne, “Nag-away kami dahil sa watermelon shake.”

Sinegundahan naman ito ng Unkabogable Star.

Aniya, “Nag-away kami dahil sa natapon na watermelon shake.”

Natapon umano ni Anne ang shake ni Vice, ngunit hindi kaagad ito humingi ng dispensa sa co-host.

Nagkaroon daw ng kaunting girian ang dalawa na umabot pa raw sa pagpagitna ng direktor nila sa noontime show na si Bobet Vidanes.

Totoo bang ilang araw ang lumipas bago naayos ang kanilang tampuhan?

Tugon ni Anne, “Ay, hindi naman, mga one day lang yun, mga ganun.”

Kuwento ni Vice, “Kinabukasan. May text pa nga siyang mahabang-mahaba.

“Nung nag-away sila ni Vhong [Navarro], may text siyang mahabang-mahaba kay Vhong.

“Nung nagalit siya sa akin, may text siyang mahabang-mahaba sa akin…

"Nung nag-usap kami ni Vhong, pareho lang pala yung message niya!"

Continue reading below ↓

Nakatawang sabat ni Anne, “Pag nag-away kasi kami, pag harapan na, umiiyak ako, hindi ko kaya.”

Dagdag pa ni Vice, “At saka numerical. ‘First, second…’ may mga ganun. Naka-itemize.

“Hindi ko na binasa. Ang haba, Ingles!

“'Tapos kinabukasan, sinundot ko lang siya sa puwet, tumawa na siya.”

Sabi naman ni Anne, “Yun na yun, ganun lang yun.”

Ipinagdiriwang ng It’s Showtime ang kanilang 10th anniversary mula noong October 1 at tatagal daw ang selebrasyon ng isang taon.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vice Ganda and Anne Curtis admit that their greatest fight lasted only for one day. The Unkabogable Star says, "'Tapos kinabukasan, sinundot ko lang siya sa puwet, tumawa na siya.”
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results