Alex Gonzaga reveals she almost quit showbiz

by Bernie V. Franco
Oct 7, 2019
Alex Gonzaga reveals she almost gave up her showbiz career: “May mga heads nga sa network ko na parang hindi ako gusto, [kung] paano ako, ang dami kong haters, walang may gusto sa akin."
PHOTO/S: Noel Orsal

Inamin ni Alex Gonzaga, 31, na halos tanggapin na niyang katapusan na ng kanyang showbiz career at mag-focus na lang siya sa pagiging influencer.

Pakiramdam daw kasi niya noon ay may TV executives na hindi siya gusto at hindi siya nabibigyan ng pagkakataon sa kanyang home network, ang ABS-CBN.

Nagsimula raw ang pagdududa ni Alex sa sarili nang ikasal ang kanyang kapatid na si Toni Gonzaga.

Ikinasal si Toni sa film at commercial director na si Paul Soriano noong June 12, 2015.

“Nung time na yun, naiyak ako kasi ikinukumpara ko yung sarili ko na, 'Paano na ‘ko pag wala na ang ate ko. Hindi na ako magkakaroon ng money, hindi na ako kikita, wala ako...'” kuwento ni Alex sa October 6 episode ng Kapamilya news magazine show na Rated K.

Dahil mas malaki ang kinikita ni Toni sa showbiz, umasa si Alex sa kanyang ate sa pinansiyal na aspeto.

Bagamat nag-aartista rin siya, pakiramdam daw ni Alex ay kulang ang showbiz opportunities na naibibigay sa kanya.

Continue reading below ↓

“May mga heads nga sa network ko na parang hindi ako gusto, [kung] paano ako, ang dami kong haters, walang may gusto sa akin.

“Iniisip ko na anong gagawin ko.

“Ang dami kong gustong gawin na nasa isip ko, na hindi ko magawa, kasi hindi naman ako nabibigyan ng pagkakataon and opportunity.”

Nagsimula ang career ni Alex sa ABS-CBN noong 2006 at naging bahagi ng sitcom na Let’s Go.

Taong 2008 nang lumipat siya sa TV5 at doon ay nabigyan ng mga proyektong siya ang bida.

Pero bumalik siya sa ABS-CBN noong 2013.

ALEX VENTURES INTO VLOGGING

Hanggang sa nagdesisyon si Alex na pasukin ang vlogging.

“Sabi ko, ‘Okay, I’ll just be happy with ano...’

"Kasi kung anuman yung lumalabas sa akin sa social media, yung response nila, sobrang fulfilled ako.

“Inisip ko na it’s gonna be the end of my career on TV, I’m gonna focus na on YouTube.”

Continue reading below ↓

Inilabas ni Alex ang unang vlog niya noong July 2017, tampok ang kanyang Ate Toni para sa make-up tutorial.

Pumatok ang video at umabot sa two million ang views nito.

Doon na raw nagsimula ang career ni Alex bilang influencer.

Nagsaliksik daw siya sa ibang YouTube influencers.

Nakita niya ang tagumpay ng mga ito at nagkakaroon ng buwanang kita.

Kuwento naman ni Toni, pinasok ni Alex ang vlogging bilang outlet at hindi para kumita.

Dahil sumikat sa vlogging, nagsunud-sunod ang mga showbiz opportunity na dumating kay Alex.

Pagbabahagi pa niya, “That time din po, I’m ending my contract in ABS and parang wala kaming meeting if they’re gonna renew.

“Nung naging sobrang overwhelming ng response [sa vlogging], and then ABS renewed my contract, and then mas lumaki, mas madaming opportunities na dumating sa akin.

“[I] never expected na mangyayari sa akin.”

Sa kasalukuyan, si Alex ay may 4.5 million subscribers at ang kayang videos ay may combined 300 million views.

Continue reading below ↓

“Dapat you have to do something that you love.

“Stop thinking kung ano ang iisipin ng ibang tao, kung paano ka kikita…

“The money will follow if you love what you’re doing,” saad ni Alex.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Alex Gonzaga reveals she almost gave up her showbiz career: “May mga heads nga sa network ko na parang hindi ako gusto, [kung] paano ako, ang dami kong haters, walang may gusto sa akin."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results