Mainit na sinalubong ang Korean superstar na si Lee Dong Wook ng nakabibinging tilian ng fans.
Si Dong Wook ang special guest sa opening ceremonies ng #LoveKOrea Culture & Travel Fiesta na pinangunahan ng Korean Tourism Organization at Ministry of Culture Sports and Tourism.
Masaya raw si Dong Wook na muli siyang nakabalik sa Pilipinas.
Nakisaya sa Tagalog challenge, sumagot ng mga tanong ng fans, at tumanggap pa ng cake si Lee Dong Wook sa event.
Namataan naman na kinikilig din sa event ang anak nina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi na si Cassy at ang The Gift star na si Ysabel Ortega.
Nag-perform din sa event ang K-Pop group na target.
Sa Good Friends in Manila Concert naman, nagpasaya ng fans ang former Wanna One members na sina Ha Sung Woon at Kim Jaehwan at ang all-girl K-Pop group na Momoland.