Kris Bernal traces back how her social media accounts were hacked

by Rommel Gonzales
Oct 7, 2019
Kris Bernal on taking care of social media passwords: "Magagaling talaga ang hackers. Pero kasi siguro, dahil iyon nga, madali rin, minsan may passwords na ang daling mahulaan, ang daling ma-access. So, kailangan talaga, ingatan mo yung password mo. Kailangan, alam mo, maaalala mo."
PHOTO/S: Noel Orsal

OK pa rin ang buhay ni Kris Bernal matapos ma-hack ang kanyang social media accounts.

“Siguro, mas naging conscious ako na when it comes to securing my accounts and when it comes to putting or setting up a password, mas naging cautious na ako,” lahad ni Kris nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko sa Madison 101 Hotel, Aurora Boulevard, Quezon City, noong October 4.

“Magagaling talaga ang hackers. Pero kasi siguro, dahil iyon nga, madali rin, minsan may passwords na ang daling mahulaan, ang daling ma-access.

“So, kailangan talaga, ingatan mo yung password mo. Kailangan, alam mo, maaalala mo.

“Kasi minsan, ako, sa sobrang dami ng accounts ko na may password, hindi mo na alam kung ano yung password nung isa, e!

“Dapat, alam mo lahat.”

Kaya siya na-hack ay nadiskubre o nahulaan ang password niya?

Continue reading below ↓

“Yes. It’s because parang... feeling ko, ito yung reason kung paano nila nakuha.

“It’s because may nag-email sa akin from Instagram, and then telling me na parang they’ll take down my account after 48 hours, kasi may copyright infringement daw ako.

“Naniwala ako, so para mai-report yun, I have to log in my username and my password.

"So, I clicked the link, kasi siyempre, ang unang concern ko, ayokong mawala yung account ko.

“So, ire-report mo agad kung anong nangyari.

"'Tapos, iyon na, parang nagkaroon na ng emails na retrieving my password, someone is trying to ano, hanggang sa hindi ko siya nakuha.

"Kasi, of course, feeling ko naman, magaling talaga sila sa ganun.”

HOW KRIS WAS ABLE TO RETRIEVE HER ACCOUNTS

Ang nabawi ni Kris, as of October 4, ay ang Instagram (noong Miyerkules, September 25) at email niya.

Ang Twitter account niya ay hindi pa niya nababawi.

Continue reading below ↓

Paano niya nabawi ang IG at email?

“Actually, sa Instagram, tinulungan ako ng GMA Network.

"Though I also messaged Instagram, pero mas responsive and mas madali nung si GMA Network ang tumulong sa akin.

“I guess, because sila yung nag-verify sa amin, ng Instagram, so I guess siguro madali ding makipag-usap sa kanila sa mga Instagram community.

“Mas madali siguro yung communication, yung verifying of yung mga ganung isyu, kung totoo.”

Mas mahirap na ang password ni Kris ngayon.

Biro nga namin sa aktres, baka sa hirap ng password niya ay siya mismo ang makalimot nito.

May ginagawa ba siyang measure para hindi niya makalimutan ang password niya?

“Well siyempre, at first talaga, ang una nating iisipin, related sa atin, pero siyempre kailangan you have to make it complicated.

“And one thing that I can really share also is gamitin mo yung to 2-Factor Authenticator App, kasi maraming ways para i-secure yung account mo, e.

Continue reading below ↓

“Merong may magse-send sa 'yo ng code para makuha mo. May isa pa na you have to download an app, 'tapos naka-secure ang account mo.”

Hindi na rin basta naniniwala si Kris sa emails mula sa mga hindi niya kilala.

“Ang dami, as in!" bulalas niya.

"Nung una, parang deadma lang ako, 'tapos nung binalikan ko yung email ko, sabi ko, ‘Shucks, ang dami palang taong gustong manloko sa akin!’

“Kasi, marami talagang emails na spam. Alam mo yun, na hindi talaga totoo.

“May mga bangko na wala naman akong account doon, may mga bangko na hindi naman galing sa totoong bank.

“Mahirap yung bank accounts dahil dun usually ang trust talaga when someone’s emailing you.”

Muntik na ba niyang bayaran ang hackers na nagde-demand sa kanya ng US$750 o halos almost PHP39,000?

“No, no, hindi talaga. It’s not na hindi ko kayang magbayad, ha!” at natawa si Kris.

Continue reading below ↓

“Kaya namang magbayad pero parang ayoko lang kasing i-tolerate yung mga hackers. Na alam mo yun, ganun lang kadali?

"Hindi ka naman sure, paano mo maga-guarantee na ibabalik sa iyo yung account mo?

“Sa totoo lang, nagtaka ako, bakit ganun lang ang hinihingi nila, parang maliit siya for the following na nakuha nila, di ba?

"Alam naman siguro nila na artista yung account, di ba?”

May 1.4M followers si Kris sa Instagram.

“Pero ayoko kasi i-tolerate, e.

“Kung binayaran ko sila, parang kinunsinti ko, di ba?” paliwanag niya.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kris Bernal on taking care of social media passwords: "Magagaling talaga ang hackers. Pero kasi siguro, dahil iyon nga, madali rin, minsan may passwords na ang daling mahulaan, ang daling ma-access. So, kailangan talaga, ingatan mo yung password mo. Kailangan, alam mo, maaalala mo."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results