Mikee Quintos admits relationship with non-showbiz Chinese guy

by Rose Garcia
Oct 8, 2019
Kapuso actress Mikee Quintos on relationship with a non-showbiz guy: "Happy naman and I just want to take things slow. Ayoko na muna ng all-out. Gusto ko lang i-enjoy ang time with him at kung ano ang meron ngayon."
PHOTO/S: Rose Garcia

Natatawang “Opo!” ang sagot ni Mikee Quintos nang diretsahan itong tanungin kung may boyfriend siya ngayon.

Inamin ni Mikee na may non-showbiz boyfriend siya at kasasagot lang daw niya rito noong isang linggo.

Kuwento pa ng 21-year-old Kapuso actress, “Same circle of friends.

"High school friend ko, college friend niya, but we know each other na.”

Chinese daw ang guy, pero hindi traditional Chinese, at kaga-graduate lang.

Masaya siya ngayon?

“Happy naman and I just want to take things slow. Ayoko na muna ng all-out.

“Gusto ko lang i-enjoy ang time with him at kung ano ang meron ngayon.

"Like, wala pa ako dun sa level na 'I love you forever.'

“Ayoko na. As in, ayoko na muna ng ganun!” natatawang lahad ng dalaga.

Dumadalaw ang boyfriend niya minsan sa taping nila ng The Gift at nakakalaro ito ni Alden Richards ng Mobile Legends.

Continue reading below ↓

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Mikee sa taping ng The Gift noong Oktubre 4, Biyernes, sa Sta. Mesa, Manila.

MIKEE ON ALDEN

Close friend na ni Mikee si Alden.

Kuwento ni Mikee, “Naging close ko na si Alden sa workshop.

"Pero dito yung nagkakasama sa set. Masayang makatrabaho.”

May kuwento pa si Mikee tungkol kay Alden.

Ayon dito, pakiramdam niya ay sobrang madasaling tao ng Kapuso actor.

“Sinabi ko ‘to sa kanya na feeling ko, sobrang legit ng The Gift because he’s the gift. Sinabi ko ‘to sa kanya.

“One day, bumisita po si Father Jess, kaibigan niyang pari.

"On the spot, nag-confession ako kay Father Jess that day.

"Grabe yung hagulgol ko, as in iyak ako agad."

Nagpasalamat si Milee kay Alden pagkatapos niyang mag-confess at makipagkuwentuhan sa kaibigan nitong pari.

“I told Alden na, 'Thank you, ang sarap ng feeling.'

Continue reading below ↓

"Ang tagal ko nang hindi nag-confess. Like, three years.

"And because of him, I feel closer to God.”

A LINE FROM MIKEE

May eksena sa The Gift na si Mikee mismo ang nagsulat ng linya niya.

Kuwento ng aktres, “Alam niyo po, dalawang beses yun na-drop, hindi natuloy ang taping sa hospital.

"Yung dalawang araw na yun, excited ako na makunan yung eksenang yun, as in, gusto ko talaga siya.

“And I was trying really hard. Sabi ko kay Direk [LA Madridejos], ‘Parang gusto ko pong magsulat as Amor.’ Kung paano ko sasabihin yung word kay Sep.

“Yung dalawang araw na yun, parang wala akong maisip, parang nire-replace ko lang yung nasa script.

"Walang pumapasok. Feeling ko, hindi pa ako satisfied.

“Siguro po, kung ano ang umere, nagawa ko yung two sequences before ng take.

“As in, out of nowhere, bigla siyang tuluy-tuloy na pumapasok.”

Continue reading below ↓

Si Mikee mismo ang nagsabi sa director nila na gusto niyang magsulat.

Kaya masaya siya na sa The Gift, nabibigyan din sila ng pagkakataon ng collaboration.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapuso actress Mikee Quintos on relationship with a non-showbiz guy: "Happy naman and I just want to take things slow. Ayoko na muna ng all-out. Gusto ko lang i-enjoy ang time with him at kung ano ang meron ngayon."
PHOTO/S: Rose Garcia
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results