Xian Lim posts throwback photos of first date with Kim Chiu

by Rachelle Siazon
Oct 8, 2019
Xian Lim, inaming nagkakahiyaan pa sila ng girlfriend niyang si Kim Chiu sa kanilang first date noong 2012.
PHOTO/S: @xianlimm Instagram

Ginulat ni Xian Lim, 30, ang girlfriend niyang si Kim Chiu, 29, nang ilantad ng aktor ang first date nila pitong taon na ang nakararaan.

Sa kanyang Instagram post ngayong Martes, October 8, ipinakita ni Xian ang ilang beach photos nila ni Kim.

Tila nag-scuba diving sila base sa suot nilang wetsuit habang sakay ng isang bangka.

Continue reading below ↓

Simpleng caption ni Xian, "first date" nila iyon ni Kim noong 2012 kaya "nagkakahiyaan pa" sila.

Ito marahil ang dahilan kung bakit nakatakip ang mukha ni Kim sa isa sa kanilang pictures.

Comment ni Kim sa post ni Xian, "oh em g!!!!!" kalakip ng eyes closed at cold sweat emojis.

Continue reading below ↓

Kinakiligan nang husto ng fans ng tambalang Kim at Xian (KimXi) ang throwback photos ng couple na "super bagay" raw sa isa't isa.

Sabi pa sa comments' section, "kasalan na" at "sana may forever" ang KimXi.

COURTING KIM

Pitong taon nang magkarelasyon sina Kim at Xian, na unang nagkatambal sa ABS-CBN prime-time series na My Binondo Girl noong 2011.

Continue reading below ↓

Noong panahong iyon ay bali-balita na ang masugid na panliligaw ni Xian kay Kim.

Mula sa pagdala ng choir sa set ng kanilang show para haranahin si Kim hanggang sa pagbigay ng life-sized Teddy bear o kaya pagpapadala ng red roses na kasing laki ng puno sa bahay ng dalaga.

May 2012 nang aminin ni Kim na "lumalabas" sila ni Xian at minsan ay isinasama pa raw ng aktres ang mga kapatid para mas makilala ang binata.

WHAT XIAN LOVES ABOUT KIM

Nitong January 2019, naging bukas si Xian sa pagsasabing going strong ang relasyon nila ni Kim.

Kabisado na raw nila ang ugali ng isa't isa dahil sa dalas nilang mag-travel nang magkasama.

Dagdag ni Xian, "Nahumaling talaga ako sa pagkalambing niya."

HOT STORIES

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Xian Lim, inaming nagkakahiyaan pa sila ng girlfriend niyang si Kim Chiu sa kanilang first date noong 2012.
PHOTO/S: @xianlimm Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results