Barbie Forteza on cloud nine because of three-year relationship with Jak Roberto

by Arniel C. Serato
Oct 9, 2019
Barbie Forteza on boyfriend Jak Roberto: "Ako, hanggang sa ngayon, confident na ako na okay si Jak.”
PHOTO/S: Arniel Serato

Hindi raw sanay si Barbie Forteza sa matagalang relasyon.

Bago sila ng boyfriend niya ngayong si Jak Roberto, ang huling nakarelasyon ng Kapuso actress ay si Kiko Estrada at tumagal lamang ng tatlong buwan ang kanilang relasyon.

Ngayon, dalawang taon at limang buwan na ang itinatagal ng relasyon nina Barbie at Jak.

Natatawang pahayag ni Barbie ngayong magtatatlong taon na sila ni Jak, “Honestly, nung medyo first three months namin...

"Kasi sanay ako na hanggang ganun lang ang relasyon ko, di ba, sanay ako sa ganun.

“Sabi ko, ‘Bakit tatlong buwan na, wala pa ring problema? Bakit di pa rin kami nag-aaway?’”

BARBIE'S RELATIONSHIP WITH KIKO

Rebelasyon ni Kiko sa isang panayam noon, mas pinili niya ang kanyang career kaysa sa relasyon nila ni Barbie.

Sabi ng aktor tungkol sa short-lived relationship nila ni Barbie: “It’s wrong time because I have work.

"I have Sinungaling Mong Puso. I have to go to the gym.

Continue reading below ↓

“It’s my first lead role, so I have to focus.

“And I won an award for that lead role, so I don’t regret my decision...

“So, it was a right love at the wrong time.”

Ang Sinungaling Mong Puso ay ang afternoon soap ng GMA Network na pinagtambalan nina Kiko at Rhian Ramos noong 2016.

Paglalarawan naman ni Barbie, “nilamok” ang relasyon niya kay Kiko noon.

CONFIDENT WITH JAK

Pero ngayon, masaya na si Barbie sa relasyon nila ng "Pambansang Abs" na si Jak.

Dagdag pa niya, “Hanggang sa tumagal na nang tumagal na.

"Ako, hanggang sa ngayon, confident na ako na okay si Jak.”

Naikuwento ito ni Barbie, habang nasa tabi niya ang nobyo, sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang piling media sa pocket presscon ng Wagas Presents "Wait Lang… Is This Love?" noong Huwebes, October 3, sa Tiyo Craft, Kitchen, & Bar, sa Quezon City.

Mapapanood ang episode nina Barbie at Jak, Lunes hanggang Biyernes, bago mag-Eat Bulaga!

Continue reading below ↓

NOT OFFENDED BUT…

Kamakailan lamang ay pinag-usapan ng netizens ang statement ni Anne Curtis tungkol sa mga tanong ng media tungkol sa baby plans nila ng asawang si Erwan Heussaff.

Bahagi pa ng pakiusap ni Anne, “I hope you guys don’t take this the wrong way.

"But, I think, in respect to every woman, you should stop asking when they’re going to get married, why don’t they have a baby, or when they are going to have a baby.”

Naniniwala rin ba si Barbie na dapat hindi na tanungin ng media ang mga artista kung kailan sila mag-aasawa o magpapakasal?

Tugon ng Kapuso actress, “Ewan ko ba, kasi may mga... kahit ano, di ba, we’re friends with the press and everything, may mga limits din naman talaga na dapat sundin.

“Siyempre, tao pa rin naman kami, may mga tanong na medyo sensitive para sa amin, maybe because we’re going through something, ganyan.

Continue reading below ↓

“And may mga questions na medyo sensitive para sa kanyang concerns, di po ba?

“Pero sa akin, personally, di ko rin gets kung kailangan tanungin.

“Kung may plans, malalaman at malalaman din naman po niyo yun.

“Kung mabubuntis, malalaman niyo din po yun. No need to ask, parang ganun.”

Nao-offend ba siya sa mga ganitong klaseng tanong?

Sagot ni Barbie, “Ako, hindi naman.”

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Barbie Forteza on boyfriend Jak Roberto: "Ako, hanggang sa ngayon, confident na ako na okay si Jak.”
PHOTO/S: Arniel Serato
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results