Ethel Booba inquires about talent fee, cash prize before joining TNT Celebrity Champions

by Arniel C. Serato
Oct 10, 2019
Singer-comedienne Ethel Booba will showcase her singing prowess in "Tawag ng Tanghalan Celebrity Champions" on It's Showtime.
PHOTO/S: Screenshot from: Very Wang on YouTube

Anytime this week ay sasalang na sa "Tawag ng Tanghalan Celebrity Champions" ng It's Showtime ang singer at comedienne na si Ethel Booba.

Isa si Ethel sa 16 celebrity singers na sasabak sa espesyal na edisyon ng "Tawag ng Tanghalan."

Pero biro ng komedyana, sinigurado raw muna niyang makukuha kaagad ang kanyang talent fee.

Pahayag ng komedyana, sabay patawa sa bloggers at ilang entertainment press, “Oo, dun mismo sa stage, malaking tseke!”

Noong tinawagan siya para sa "Tawag ng Tanghalan," una raw inusisa ni Ethel sa staff ng noontime show kung magkaiba ba ang talent fee (TF) at ang premyo nila bilang celebrity contestants.

“Siyempre, tinanong ko agad ang premyo, yung TF.

“Sabi ko, ‘Ito, magkaliwanagan tayo, ha. Ang TF ba at saka premyo, hiwalay?’”

Sabi raw ng kausap niyang taga-It’s Showtime, “Tatawagan ka namin ulit.”

Kamakailan ay nag-tweet si Ethel tungkol sa mga hindi pa raw nabayarang guesting niya sa dalawang shows ng ABS-CBN.

Continue reading below ↓

Pero balita niya sa panayam ng bloggers at mapapanood din sa YouTube account ni Very Wang, “Nabigay na last week.”

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Singer-comedienne Ethel Booba will showcase her singing prowess in "Tawag ng Tanghalan Celebrity Champions" on It's Showtime.
PHOTO/S: Screenshot from: Very Wang on YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results