Ai-Ai delas Alas upgrades house security after falling victim to akyat-bahay

by Arniel C. Serato
Oct 10, 2019
Ai-Ai delas Alas gears up for a fun-filled show dubbed as All 4 You: The Clash Concert together with Lani Misalucha, Golden Cañedo, and Christian Bautista at Arcadia Performing Arts Center in Los Angeles, California, on October 19.
PHOTO/S: Arniel Serato

Noong September 6, 2019 ay nabiktima ng akyat-bahay si Ai-Ai delas Alas, kung saan nakuha ang kanyang bag na may lamang pera.

Iniwan daw ng magnanakaw ang Louis Vuitton bag niya sa kalsada, at pera lang ang kinuha.

Wala ba siyang ideya paano nakapasok ang magnanakaw sa bahay nila ng asawang si Gerald Sibayan sa isang exclusive village?

Tugon ni Ai-Ai, “Yun nga din ang tanong ko sa lahat ng tao dun, pati security guard.”

Ngayon daw ay nagpalagay na sila ng CCTV at may mga grill na rin sa kanilang bahay.

“CCTV, kung anik-anik. Kuwarto namin, puro bakal na. Okay naman na.”

Biro pa ng Comedy Queen, “Pati yung mga security guards sa village namin, papalit-palit.”

Hindi naman na raw naghahabol pa si Ai-Ai sa perang nanakaw sa kanya.

Aniya, “Hindi, okay na yun, hayaan mo na, ipasa-Diyos na lang natin.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ai-Ai sa pocket presscon ng All 4 You: The Clash Concert noong Huwebes, October 3.

Continue reading below ↓

Kasamang dumalo ni Ai-Ai sa presscon sina Christian Bautista, Golden Cañedo, at Lani Misalucha.

Ang concert nila ay gaganapin sa Arcadia Performing Arts Center, Los Angeles, California, sa October 19.

PARK SEO JOON FAN MEET

Isa nang K-pop fan ngayon si Ai-Ai.

Naimpluwensiyahan daw siya ng kanyang anak na si Sophia delas Alas.

Kaya naman laking tuwa niya nang makaharap niya nang personal ang Korean superstar na si Park Seo Joon nong September 29.

Umiyak pa nga si Ai-Ai noong nakapag-selfie sila sa Korean superstar.

Bakit ba siya napaiyak?

Tugon niya, “Kasi hindi ko naman akalain na makakapunta siya dito, na makikita ko siya, na makakatabi ko siya.”

Tinanong naman ni Lani kung bakit hindi siya nangahas na halikan ang Korean actor.

May lungkot na sagot ni Ai-Ai, “Bawal ngang hawakan, e.

“Actually, gusto ko ngang... papalapit nang palapit hawakan ko yung T-shirt, sabi ng manager, ‘No.’

Continue reading below ↓

“'Okay, pasensiya na, pasensiya na.'

“Okay na yun sa akin na nakatabi ko siya.”

Hindi ba nila alam na Comedy Queen siya sa Pilipinas?

May halong birong sabi ni Ai-Ai, “Ay, okay lang. Hayaan mo nang hindi niya alam.

“Kasi baka pag nalaman niya, mahihirapan akong magdesisyon kung siya o si Gerald.

“Ayokong masira ang pamilya ko!”

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ai-Ai delas Alas gears up for a fun-filled show dubbed as All 4 You: The Clash Concert together with Lani Misalucha, Golden Cañedo, and Christian Bautista at Arcadia Performing Arts Center in Los Angeles, California, on October 19.
PHOTO/S: Arniel Serato
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results