Did Bianca Manalo confirm relationship with Senator Sherwin Gatchalian?

by Arniel C. Serato
Oct 11, 2019
Beauty queen-turned-actress Bianca Manalo posts photo with rumored boyfriend Senator Sherwin Gatchalian. She says in the caption: "This thing called love.”
PHOTO/S: Courtesy: @biancamanalo on Instagram

May relasyon na ba ang beauty queen-turned-actress na si Bianca Manalo, 31, at ang senador na si Sherwin Gatchalian, 45?

Kagabi, October 10, nagbahagi ang Ang Probinsyano actress ng larawan kasama ang mambabatas sa kanyang Instagram, kung saan makikitang halos magkayakap ang dalawa.

Ito ay kuha mula sa 50th birthday celebration ni Sorsogon Governor Francis “Chiz” Escudero na ginanap sa The Blue Leaf Cosmopolitan, sa may Quezon City.

Dating magkasama sa 17th Congress si Gatchalian at ang dating senador na si Escudero, asawa ng aktres na si Heart Evangelista.

Nakalagay sa caption ni Bianca sa larawan nila ng senador: “This thing called love.”

Dinagdagan niya ito ng ilang linya sa soundtrack ng pelikulang Grease na "We Go Together."

“We go tegether.. remembered forever.. chang chang changitty chang sha-bop.. that’s the way it should be.. oooh yeah!”

Continue reading below ↓

Sa comments section, pinusuan ng ilang kaibigang artista at modelo ni Bianca ang kanyang post.

Kabilang na rito sina Regine Angeles, Kit Barraquias, Melissa Ricks, at Yassi Pressman.

Isa namang constituent ni Senator Gatchalian—na dating congressman ng Valenzuela City—ang nagkomento na bagay sila ni Bianca.

Tugon ni Bianca, “Thank you.”

Continue reading below ↓

BIANCA-SHERWIN SIGHTINGS

November 2018 unang namataan ng netizens na magkasama sina Bianca at Senator Gatchalian.

Noong April 2019, may mga lumalabas ding litrato sa social media kung saan nagdi-date ang dalawa.

Noong Hunyo 2019, sa Hong Kong naman spotted ang dalawang magkasama.

Ngunit walang post ang beauty queen-turned-actress na si Bianca sa kanyang Instagram.

Continue reading below ↓

Ito ang kauna-unahang pagkakataong nag-post si Bianca ng larawan nilang dalawa ng mambabatas.

Nitong mga nakaraang buwan, ilang netizens ang nagsabing nalilinya raw sa mga pulitiko si Bianca dahil ang huli niyang nakarelasyon ay si Pandan, Antique Mayor Jonathan Tan.

Naging malaking balita pa nga ang paglubog ng speedboat na sinasakyan nila sa karagatan ng Culasi noong Marso 2018.

Continue reading below ↓

Naugnay rin ang pangalan ni Bianca sa aktor na si John Prats at sa model-actor na si Fabio Ide.

Samantala, ang huling napabalitang karelasyon sa showbiz ni Senator Gatchalian ay si Pauleen Luna.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Beauty queen-turned-actress Bianca Manalo posts photo with rumored boyfriend Senator Sherwin Gatchalian. She says in the caption: "This thing called love.”
PHOTO/S: Courtesy: @biancamanalo on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results