JK Labajo reacts to rumored GF Maureen Wroblewitz fangirling over Shawn Mendes

by Jet Hitosis
Oct 11, 2019
JK Labajo reacts to Maureen Wroblewitz’ fangirling photo with Shawn Mendes: “Cute pero mas cute ako, sorry.”
PHOTO/S: @karloslabajo, @mauwrob on Instagram

May bahid nga ba ng selos ang naging reaksiyon ng singer na si JK Labajo sa fangirling photo ng rumored girlfriend niyang si Maureen Wroblewitz kasama ang Canadian singer na si Shawn Mendes?

Sa Instagram post ng Asia’s Next Top Model Season 5 winner ngayong Biyernes, October 11, makikita siyang ngiting-ngiti sa ipinagmalaki niyang “unedited photo” kasama si Shawn.

Kuha ang litrato nang nanood si Maureen “alone” sa concert ni Shawn sa Mall of Asia Arena nitong Huwebes ng gabi, October 10.

Sa naturang post, inamin ni Maureen na siya ay “fan of shawn since I was 15.”

Caption ni Maureen (published as is): “posted it na on twitter, now it’s time to post on Instagram (smiling face with three hearts emoji).

“most of you know that I‘ve been a fan of shawn since I was 15 and now I can finally post an unedited photo of us (face with tears of joy emoji) also met soo many of you guys!

Continue reading below ↓

“Thank you all for being so nice to me, it was my first time going to a concert alone and I enjoyed it a lot (heart emoji).”

JK LABAJO REACTS

Sa huling bahagi ng caption ni Maureen, tinag niya si JK para mag-sorry.

Dagdag ni Maureen, “sorry @karloslabajo (throwing a kiss emoji).”

Kinilig ang fans sa naging sagot ni JK: “cute pero mas cute ako sorry.”

Sinagot naman ito ni Maureen: “@karloslabajo yes I know I know.”

Continue reading below ↓

Komento ng netizens, mistulang nagselos si JK sa litrato nina Maureen at Shawn, dahil kitang ibang-iba ang ngiti ng model-TV host sa pagpapakuha ng litrato kasama ang hinahangaang foreign singer.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Nasa Pinas ang nagpasikat ng mga kantang “Stitches,” “Lost in Japan,” at “Treat You Better” bilang bahagi ng world tour sa pagpo-promote ng kanyang self-titled third album.

Sinegundahan naman ng fans ang sagot ni JK, at sinabing “mas cute,” “mas magaling kumanta,” at “winner” ang “Buwan” hitmaker kumpara kay Shawn.

Hanggang ngayon ay walang direktang kumpirmasyon mula kina Maureen at JK sa tunay na estado ng kanilang relasyon.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
JK Labajo reacts to Maureen Wroblewitz’ fangirling photo with Shawn Mendes: “Cute pero mas cute ako, sorry.”
PHOTO/S: @karloslabajo, @mauwrob on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results