Nino Muhlach reveals who will inherit aunt Amalia Fuentes's pamana

by Jerry Olea
4 days ago
(Right) Nino Muhlach reveals who will inherit the fortune of his aunt Amalia Fuentes, who succumbed to multiple organ failure on October 5, 2019 (Left) Back when Nino was a kid, his Tita Nena would ask him to entertain her guests.
PHOTO/S: @oninmuhlach on Instagram, Jerry Olea

Magbubukang-liwayway pa lang noong Oktubre 5, Sabado, ay inihayag na ni Niño Muhlach sa Facebook ang pagpanaw ng kanyang tiya na si Amalia Fuentes.

May video roon ng pagdalaw ni Alonzo Muhlach, anak ni Niño, na kinakantahan ang legendary movie queen.

“Si Tita kasi, natutuwa pag ganoon, pag kinakantahan siya,” lahad ni Niño nang makausap namin sa huling gabi ng lamay ni Amalia noong Oktubre 7, Lunes, sa National Shrine of Our Lady of Mt. Carmel, Broadway Avenue, Quezon City.

“Gustung-gusto niya pag hinahawakan ang kamay mo. Nginingiti-ngitian mong ganoon. Iyon ang kaligayahan niya, e. Saka nakakakilala kasi si Tita.

"Ang problema kay tita, ang nasasabi lang niya, 'Ayaw.' Pero hanggang ganoon lang."

Maluwag sa kalooban ni Niño ang pagpanaw ni Amalia.

"Kami, four years ago pa, inihanda na namin ang sarili namin sa ganito. Kaya well-prepared na kami, di ba?

Continue reading below ↓

“Apat na taon na siyang naghirap. Mabuti nang natapos iyon kesa makita mo pa siyang makina na lang ang bumubuhay,” paliwanag ni Niño.

Nang ma-stroke si Amalia noong Oktubre 2015 sa South Korea, labis na nag-alala ang younger brother nitong si Alvaro “Cheng” Muhlach, ang ama ni Aga Muhlach.

Nauna pang pumanaw si Cheng noong Mayo 2018. Ang nabubuhay na lang na buong kapatid ni Amalia ay si Alex Muhlach, ang ama ni Niño.

AMALIA'S ONLY LIVING BROTHER

Hirit ni Niño, “Isa lang ang napatunayan ko, ang daddy ko, nakita mo naman, bagets na bagets pa. Dahil sa 23 years old niyang girlfriend.”

Dagdag ni Niño, kabarkada ng 18-anyos niyang anak na si Sandro Muhlach ang nasabing babae.

“Iyon ang dahilan kaya kita mo naman si Papa, bagets na bagets!” bulalas ni Niño.

Tumatanaw ng utang na loob si Niño sa kanyang Tita Nena (term of endearment kay Amalia).

Continue reading below ↓

“Siya ang dahilan kaya nakapag-produce si Daddy ng pelikula ko, noong pinautang siya ni Tita Nena, kaya nagkaroon ng D’Wonder Films,” paggunita ng dating wonder child.

“Everything started with Tita Nena. Kung walang Amalia Fuentes, hindi nakapag-graduate ang daddy ko. Kung hindi naka-graduate ang daddy ko, hindi rin siya magkakaroon ng business knowhow para makapag-produce.”

AMALIA'S FAVORITE NEPHEW

Sabi-sabi, si Aga ang paboritong pamangkin ni Amalia.

Paglilinaw ni Niño, “Wala namang favoritism si Tita. Si Aga kasi, lumaki sa kanya. Kumbaga, ako kasi, syempre, noong kabataan ko, nag-aartista ako, sumikat ako.

“Si Aga, laging iniiwan sa kanya ni Tito Cheng. Kasi, Si Tito Cheng naman, parang ako iyong laging binabantayan noon. Si Aga ang naiwan kay Tita.

“Lagi nga silang magkaaway! Kasi nga, parang mag-Nanay! Pero nagkaayos sila. Nagmamahalan sila.

"Si Tita, masarap kausap, thirty minutes. After thirty minutes, kailangang magpaalam ka na. Kasi, mag-aaway na kayo. Basta, masarap siyang kausap for thirty minutes. After thirty minutes, marami na siyang makikita sa iyo, marami na siyang masisilip sa iyo. Ganoon si Tita, e.

Continue reading below ↓

"Meron siyang naaalala na hindi mo siya sinipot sa ganito. Meron siyang naaalalang... ahhh, kasi, mahilig iyang magpa-drive, e. 'Tapos, minsan, hindi ko sinisipot. Ayun, nagagalit.”

AMALIA'S GRANDCHILDREN

Bukod sa kapatid na si Alex, ang naiwang immediate family ni Amalia ay ang tatlong apo na sina Alyanna, Alfonso, at Alissa Martinez.

May pamana ba si Amalia sa mga pamangkin, halimbawa’y sa kanya?

“Wala namang nag-iinteres doon!” mabilis na sambit ni Niño.

“Ang mga naiwan ni Tita, para sa mga apo niya. Iyong pinag-aral lang ni Tita ang tatay ko, napakalaking bagay na iyon. OK na kami roon.”

Ang sabi naman ni Alfonso, bago pa na-stroke ang kanyang lola ay napag-usapan na nila ang mga habilin nito sakaling pumanaw ito.

Siyanga pala, naidirek ni Niño ang kanyang Tita Nena sa 45-minute film project na ipinalabas sa mga school, ang Basilio at Juling.

Continue reading below ↓

Gumanap dito si Amalia bilang Doña Consolacion.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
(Right) Nino Muhlach reveals who will inherit the fortune of his aunt Amalia Fuentes, who succumbed to multiple organ failure on October 5, 2019 (Left) Back when Nino was a kid, his Tita Nena would ask him to entertain her guests.
PHOTO/S: @oninmuhlach on Instagram, Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results