SexBomb reunion concert, tuloy na ba, Rochelle Pangilinan?

by James Patrick Anarcon
Oct 13, 2019
Ngayong tapos na ang pagbubuntis ni Rochelle Pangilinan, matutuloy na ba ang pinaplano nilang SexBomb Dancers reunon concert?
Video: James Patrick Anarcon.

Hindi akalain ni Rochelle Pangilinan na kahit paano pala ay nagkaroon sila ng impact sa mga nanonood sa kanila noon sa Daisy Siete, isa sa longest running shows sa Pilipinas.

Tumagal ang nasabing show nang pitong taon, na nagsimulang umere nung 2003 at nagwakas noon 2010.

Hanggang ngayon kasi ay may mga tagahanga ang grupo nila na umaasang magkakaroon ng reunion o ma-pickup ng Netflix kahit isang season man lang ng Daisy Siete.

Aminado naman si Rochelle na napag-usapan nila noon ng kapwa niya SexBomb Dancers ang magkaroon ng reunion concert. Hindi nga lang natuloy dahil nabuntis siya.

Pero ngayong tapos na ang pagbubuntis ni Rochelle, tuloy na ba ang pinaplano nilang reunion concert?

Samantala, kamakailan ay nag-post si Rochelle sa kanyang Instagram ng muling pagsasama-sama ng ilang miyembro ng SexBomb para sa isang benefit show.



Subscribe to our YouTube channel! http://bit.ly/PEPYouTubeChannel

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results