Clint Bondad has no plans of getting back with Catriona Gray; now being linked to Thai transwoman billionaire

by Jet Hitosis
Oct 14, 2019
Clint Bondad refuses to comment on speculations about his friendship with Thai billionaire Anne JKN (left). After sharing another photo of him with Anne last Saturday, October 12, Clint told an Instagram follower to "give up" any hope of him getting back with ex-girlfriend, Miss Universe 2018 Catriona Gray (right).
PHOTO/S: @clintbondad, @catriona_gray on Instagram

“Give up.”

Ito ang maikling sagot ni Clint Bondad sa isa niyang Instagram follower na nagtanong kung may kahit “small chance” pang magkabalikan sila ni Miss Universe 2018 Catriona Gray.

February ngayong taon nang kumpirmahin nina Clint at Catriona na hiwalay na sila matapos ang anim na taong relasyon.

Nangyari iyon dalawang buwan makaraang koronahan si Catriona bilang ikaapat na Pinay Miss Universe, sa pageant na ginanap sa Thailand noong December 2018.

Continue reading below ↓

Napatanong ang follower ni Clint matapos i-post ng model-actor nitong Sabado, October 12, ang latest photo nila ng bilyonaryang Thai transwoman na si Anne JKN.

Sa caption, tinawag ni Clint na “my Sidekick” si Anne, chief executive officer (CEO) ng JKN Global Media Public Limited Company sa Thailand.

Post ni Clint: “Based on how many girly punches and half ass kicks I received for being the funniest and most charming person ever I must be with the worst Muay Thai instructor in the world (smiling with closed eyes emoji).

“I actually don't mind if you only like me because of my money @annejkn.official it's always a fun time (smiling face with sunglasses emoji).”

CLINT AND ANNE POST PHOTOS TOGETHER

Hindi ito ang unang beses na nag-share si Clint—at maging si Anne—ng litrato nila sa social media noong nagpunta sa Thailand ang binata.

Continue reading below ↓

Dahil dito, ilang araw nang iniintriga ang pagkakaibigan ng dalawa, pero hindi pinapansin ng sinuman kina Clint at Anne ang mga tanong kung may romantic na namamagitan sa kanila.

Sa post nga ni Clint nitong Sabado, gaya ng nangyari sa mga naunang litrato nila ni Anne, ilang followers niya ang nam-bash sa kanya, sa pag-aakalang may relasyon siya sa Thai.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Hindi rin naman sinasagot ni Clint ang mga negatibong komento tungkol sa kanya at kay Anne.

Sa pagsilip ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Instagram page ni Anne, makikitang hindi lang si Clint ang Pinoy celebrity na nakasama niya sa litrato.

May picture rin si Anne sa iba pang Kapuso actors na sina Alden Richards, Derrick Monasterio, at Ken Chan.

Continue reading below ↓

Samantala, isang follower ni Clint ang nagsabing nagkataon kasing ang 25-anyos na model-actor ay nasa isang “country where everything is a big deal” at maraming “judgemental peeps.”

Sabi ni Clint, naiintindihan niya ang sentimyento ng mga Pilipino dahil ang Pilipinas marahil ang “THE most supportive” na bansa, at “love creates hate. It’s a package deal.”

Mistulang tinutukoy ni Clint ang maraming fans ni Catriona, partikular ang mga pumanig sa dalaga matapos ang kanilang breakup.

Continue reading below ↓

CLINT ALLOWS NEGATIVE COMMENTS

Ganito rin ang naging sagot ni Clint sa isang follower na pumuri sa pagsagot niya sa hate comments.

Reply ni Clint: “They are not hate comments. They technically are support comments if you look at them the way I do.”

Continue reading below ↓

Samantala, “never” ang isinagot ni Clint sa suggestion ng isa niyang fan na i-turn off niya ang comments section para matigil na ang bashers niya.

Sagot ni Clint, “Discussion is needed to evolve and will continue regardless if not here then somewhere else.”

Hiling naman ng isa pang Instagram follower ni Clint na tigilan na ng bashers ang pagtukoy kay Anne na “that trans, yang trans na yan, at bakla.”

Continue reading below ↓

Ayon kay Clint, hindi maaaring ipilit sa iba ang awtomatikong pag-unawa sa gender preference ng kapwa, dahil ito “will only come with compassion.”

Ang isang follower ni Clint, natutuwang hindi ikinokonsidera ng aktor ang gender preference ng kanyang mga kinakaibigan.

Reply ni Clint: “Only primitive brains lack imagination AND fear judgment of others.WHY? I ONLY fear my final judgement.”

Continue reading below ↓

Video: Rommel Llanes.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Clint Bondad refuses to comment on speculations about his friendship with Thai billionaire Anne JKN (left). After sharing another photo of him with Anne last Saturday, October 12, Clint told an Instagram follower to "give up" any hope of him getting back with ex-girlfriend, Miss Universe 2018 Catriona Gray (right).
PHOTO/S: @clintbondad, @catriona_gray on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results