Marian Rivera clarifies statement about traffic issue

by Rose Garcia
Oct 14, 2019
Marian Rivera on traffic issue: “Alam ko po ang hirap na pinagdaraanan ng mga Pilipino sa kalbaryong ibinibigay sa ating lahat ng trapik. Ang bawat minuto na nasasayang sa kalsada ay dapat na sana’y nagagamit natin para makapiling ang ating mga mahal sa buhay — wala pong may gusto nito..."
PHOTO/S: Noel Orsal

Binigyang-linaw ni Marian Rivera ang video interview niya tungkol sa isyu ng traffic na inilathala ng isang online news site noong October 11, 2019.

May titulo itong “WATCH: Marian Rivera on traffic issue.”

Kasunod nito ang intro article na: “Are the ‘super rich’ like superstar Marian Rivera also affected by Metro Manila’s heavy traffic, especially as the holidays near?”

Ito naman ang bahagi ng pahayag ng Kapuso Primetime Queen sa naturang interview:

“Traffic? Parang matagal nang may traffic. Wala nang dahilan para ikunsume mo sarili mo sa traffic.

“Kung may lakad ka, eh 'di pumunta ka ahead of time para 'di ka ma-trapik.

“Sa sasakyan, 'pag trapik, andaming pwedeng gawin. Magcellphone ka, magsulat ka, eh 'di 'yun 'yung 'me' time mo sa sarili mo, 'di ba?

“So andaming pwedeng gawin mo 'pag traffic.”

Dahil dito ay nakatanggap ng pamba-bash at pambabatikos mula sa ilang netizens si Marian.

Continue reading below ↓

MARIAN'S STATEMENT TAKEN OUT OF CONTEXT?

Sa pamamagitan ng kanyang Instagram account ngayong Lunes, October 14, ipinaliwanag ng aktres kung ano ang pinanggagalingan ng kanyang sagot na sa tingin niya ay “misinterpreted.”

Pahayag ni Marian, “Lahat tayo ay biktima ng trapik, at kani-kaniyang paraan lang kung paano tayo mag-cope sa sitwasyon.

“Ang tanong po kasi during the interview —kung panonoorin at pakikinggan niyo ang buong clip — ay naka-tuon sa aking pamamaraan kung paano ko personal na itinatahak ang problemang ito ng ating lipunan, kaya’t sinagot ko naman iyon ayon sa kung ano ang totoo sa akin — at sa akin lamang.

“I just wanted to give a light take on my personal experience, but was misinterpreted...

“Hindi ko po nilalahat at lalu nang ginawang pangaral sa publiko ang aking pahayag...”

Naganap ang interview nang ilunsad si Marian bilang kauna-unahang celebrity endorser ng Waltermart Supermarket noong October 10.

Continue reading below ↓

Naniniwala si Marian na dahil na-edit ang tanong nang ilabas ito online, “na-take out of context” ang kanyang sagot.

Saad ng 35-year-old Kapuso star, “Kung sana’y naging mas responsable lang ang Philippine Star sa kanilang headline at sa hindi pag edit ng tanong sa umpisa ng original video, hindi ako ma-tatake out of context...”

Sa kabila nito, pinaninindigan pa rin daw ni Marian ang kanyang naging sagot.

Humingi rin siya ng paumanhin sa “mga nasaktan, nainis, napikon at kahit sa mga mema lang.”

Aniya, “Pinaninindigan ko po ang aking sagot and i take full responsibility, pero humihingi rin ako ng paumanhin sa mga nasaktan, nainis, napikon at kahit sa mga mema lang — hindi ko po nais na gawin ito sa inyo.

“Sa susunod, magiging mas maingat ako sa aking mga sinasabi, at sana ganoon din ang mga pahayagan na tinitingala ng nakararami...”

Continue reading below ↓

Diin pa ni Marian, “Alam ko po ang hirap na pinagdaraanan ng mga Pilipino sa kalbaryong ibinibigay sa ating lahat ng trapik.

“Ang bawat minuto na nasasayang sa kalsada ay dapat na sana’y nagagamit natin para makapiling ang ating mga mahal sa buhay — wala pong may gusto nito. . .

“Peace everyone [heart emoji]”

May pahabol ding paglilinaw si Marian na hindi siya”super rich,” gaya ng pagkakalarawan sa kanya sa artikulo, kundi may kaya lang.

“PS. Hindi po ako super rich, gaya ng sabi ng Phil Star. Maykaya, opo, dahil pinaghirapan ko po yun.”’

Continue reading below ↓

MISQUOTED

Nitong Linggo, October 13, ay bumalik na si Marian sa weekly comedy-variety show ng GMA-7 na Sunday PinaSaya.

Dito ay napag-usapan din ang tungkol sa natatanggap niyang pamba-bash at negatibong komento dahil nga sa lumabas na online interview niya.

Sabi ni Marian sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Yes, na-misquote.

“Hindi ko naman masisi ang isang writer na maglagay sila ng ganung headline.

“Pero siyempre, pakiusap ko lang sa mga nagbabasa, basahin na lang muna nila ang article bago sila mag-react.

“‘Yan kasi ang hirap minsan. Nadadaan sa init ng ulo ang puna bago mag-react sa katotohanan.

“So, ako, hindi ako guilty.”

Dugtong niya, “Ako, sinasabi ko lang yun sa personal ko.

“Sa sarili ko, yun ang ginagawa ko, but it doesn’t mean yun ang gawin nila at yun ang tama.”

Nilinaw rin ni Marian na hindi siya nagkomento tungkol sa traffic mismo.

Continue reading below ↓

“Nag-comment ako as ako,” palki niya.

“Hindi ko sinabi na pangkalahatan.

“E, eto ako, sinabi ko yung totoo. I’m a very transparent person.

“Sinabi ko kung ano talaga ang ginagawa ko.

“Ito ang traffic, ito ang solusyon ko sa traffic.

“Pero hindi ko sinasabi ‘yan as advice to everyone.”

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Marian Rivera on traffic issue: “Alam ko po ang hirap na pinagdaraanan ng mga Pilipino sa kalbaryong ibinibigay sa ating lahat ng trapik. Ang bawat minuto na nasasayang sa kalsada ay dapat na sana’y nagagamit natin para makapiling ang ating mga mahal sa buhay — wala pong may gusto nito..."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results