Daniel Padilla returns to work after Iceland vacation; wins in Himig Handog 2019

by Rommel Gonzales
Oct 14, 2019
Daniel Padilla: “Kasi bago mag-vacation, ang tagal ko ng naka-vacation mode, e, di ba?"
PHOTO/S: Danielle Louise Talabis

Nanibago raw si Daniel Padilla nang muling humarap sa entertainment press pagkatapos ng ilang linggong bakasyon nila ng kasintahang si Kathryn Bernardo sa Iceland.

Idagdag pa raw rito na matagal na siyang naka-“vacation mode” bago pa man ang Iceland vacation nil ani Kathryn.

“Kanina nga, medyo late ako dumating dito, kasi parang…

“Pagdating ko pa lang, sabi ko kay Tito Do [his personal assistant], ‘Parang hindi na ako sanay pumapasok dito!’

“Kasi bago mag-vacation, ang tagal ko ng naka-vacation mode, e, di ba?

“So, nung pumapasok ako [sa ABS-CBN compound], ‘Artista pala ako!’” natatawang kuwento ni Daniel nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Star Music Conference Room sa 2nd floor ng ELJ Building, Mother Ignacia, Quezon City, nitong Linggo ng hapon, October 13.

Ginanap ang presscon matapos ang grand finals ng Himig Handog 2019 sa ASAP Natin ‘To.

Continue reading below ↓

Sina Daniel Padilla at Moira dela Torre (as interpreters) ang nanalo ng grand prize para sa kantang “Mabagal” na isinulat ni Dan Tañedo.

Patuloy ng 24-year-old actor, “At saka galing pa ako ng [Europe] so, you know, yung oras din nung ano ko, na medyo puyat pa kami.

“Pero okay lang, you know. It’s good to be back!

“‘Tapos ganito pa yung babalikan mo, so ang saya,” pagtukoy ni Daniel sa pagwawagi nila sa Himig Handog 2019.

Continue reading below ↓

ICELAND VACATION

Natanong si Daniel kung ano ang mga lugar na pinuntahan nila sa Iceland.

“Marami, marami! Inikot namin yung buong Iceland in eleven days.

“Inikot namin siya. Ganun naman kasi yun, e, isa lang naman yung kalsada nila. So, paikot lang siya.

“So, iyon, naikot namin yung buo. And it was the best!”

Ano ang pakiramdam na nakita nila ang Aurora Borealis o Southern Lights na nais makita ng napakaraming travellers mula sa iba-ibang panig ng mundo?

Ayon kay Daniel, “It’s very beautiful! It’s a natural phenomenon.

“Hindi iyon yung mga bagay na… hindi naman likhang-tao na yun, e, you know.

“Iba na yung gumagawa nun, so... It’s very magical!”

Continue reading below ↓

“MABAGAL” SWEEPS HIMIG HANDOG 2019

Bukod sa pagwawagi bilang Best Song sa Himig Handog 2019 ay hinakot “ Mabagal” ang lahat ng limang special awards: MOR Phils Choice Award, MYX Choice for Best Music Video, One Music PH Choice for Favorite Interpreter, Star Music’s Choice, at Listener’s Choice for Most Streamed Track.

Isang milyong piso ang premyo ng “” bilang Best Song at P50,000 naman bawat special award.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Daniel Padilla: “Kasi bago mag-vacation, ang tagal ko ng naka-vacation mode, e, di ba?"
PHOTO/S: Danielle Louise Talabis
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results