Jessy Mendiola says there's "no bad blood" between her and Star Magic

by Arniel C. Serato
Oct 14, 2019
Jessy Mendiola on rumored network transfer: "Wala pa ako sa ganun. More of, like, I’m exploring my options.”
PHOTO/S: Arniel C. Serato

Nilinaw ng Kapamilya actress na si Jessy Mendiola ang bulung-bulungan noong lilipat na raw siya ng TV network.

Pahayag ng 27-year-old actress, "Hindi naman, hindi naman... it’s more of...

"Kasi, at that time, sabi ko, ‘Itutuloy ko pa ba?’

“Kilala niyo naman ako kapag medyo nagpapahinga nang matagal, ‘Okay na ako, hindi na lang ako babalik.’"

Inulit niya ang kanyang pahayag noong September 24 na ang isang dahilan kung bakit nanatili siya sa ABS-CBN ay ang pagkakasali niya sa panghapong teleserye ng istasyon na Sandugo.

Sabi ni Jessy, “Pero ano naman, I’m very thankful na na-cast sa role na yun kasi first time kong gumawa ng role na ganun.

"'Tapos nung pinitch nila sa akin, midway, nagdadasal ako, ‘Sana gray character, sana gray character.’

"'Tapos, true enough, medyo magiging gray character nga siya pagdating ng gitna ng story.

"So, I said yes. Yun."

Continue reading below ↓

Kasunod nito, nagkuwento na si Jessy tungkol sa diumano’y balak niyang lumipat ng istasyon.

"But when it comes to transferring networks and all, wala pa ako sa ganun.

"More of, like, I’m exploring my options.

"Feeling ko, kailangan mo din maging open sa ibang bagay.

"Hindi naman puwede na kung ano lang yung alam mo buong buhay mo, dapat dun ka lang."

Isa na nga raw rito ang paggawa ng pelikula.

Ayon kay Jessy, ‘‘Doing films, doing projects elsewhere.

"Hindi naman puwedeng ikakahon mo yung sarili mo, so yun."

Pagbabalita pa niya, "I also... I transferred na. I have a new manager, si Tita June Rufino."

Nilinaw rin ni Jessy ang tungkol sa pagpapalit niya ng manager—mula sa talent management arm ng ABS-CBN na Star Magic patungo kay June Rufino.

Si Rufino rin ang manager ng boyfriend ni Jessy na si Luis Manzano.

Continue reading below ↓

Ayon sa aktres, "And wala akong bad blood sa Star Magic.

"Nagpaalam ako nang maayos. And sila Mr. M [Johnny Manahan], Tita Mariole [Alberto], they were very understanding.

“Sabi nila sa akin, 'Dadating talaga sa point na ganyan, e.'

"Kasi, marami din naman talagang artista na nag-try na mag-explore sa ibang bagay.

"So, pinayagan nila ako. Walang struggle or whatever."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang piling media si Jessy sa launching ng kanyang bagong endorsement na SkinCell Advanced Aesthetic Clinics para sa kanilang campaign na “’Beauty in Progress.”

Ayon kay Dr. Clarissa V. Cellona, founder at lead dermatologist ng SkinCell Advanced Aesthetic Clinics, "breath of fresh air" ang pagpili ng Sandugo actress sa kanilang clinic.

Continue reading below ↓

LUIS MANZANO: VERY SUPORTIVE BOYFRIEND

Tatlong taon na ang relasyon nina Jessy at Luis.

Bahagi ba ang 38-year-old boyfriend ni Jessy sa decision-making pagdating sa kanyang karera?

Tugon ng aktres, “Ano siya, he’s very supportive.

"Ano din siya, e, siya yung maliit na boses sa likod ko na kapag pakiramdam niya na hindi okay sa akin, sasabihin talaga niya.

"Ano siya, more of, like, ‘Are you sure, you want to do this? Are you sure you’re going to be happy doing this?'

"Ganun siya, 'If it’s not making you happy, then don’t do it.'"

Bukod kay Luis, maging si Lipa City Representative Vilma Santos-Recto, ina ng TV host-actor, ay hindi rin daw nagkulang magpaalala kay Jessy sa mga bagay na ikabubuti ng kanyang karera.

Aniya, “And in fairness din naman talaga, sabi niyo nga, galing siya sa entertainment family, sina Tita Vi, nagsasabi din sa akin na, 'Sure ka ba?' ganun-ganun.

Continue reading below ↓

“'Tapos, ‘Very good, what you’re doing. Tuluy-tuloy lang,’ ganun sila. They were very supportive.

"And si Luis, meron siyang tulong and, at the same time, he gives you the liberty to decide on your own.

"Hindi siya yung, 'Ako ang magdi-decide or whatever.' Support lang.

"And if he feels that it’s hurting you, and if he feels na it’s not good for you, sasabihin niya.

"Hindi siya yung hahayaan ka lang niya dahil desisyon mo yun."

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jessy Mendiola on rumored network transfer: "Wala pa ako sa ganun. More of, like, I’m exploring my options.”
PHOTO/S: Arniel C. Serato
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results