Michael V. mourns father's death

by Jet Hitosis
Oct 14, 2019
Actor-filmmaker Michael V. announces on Instagram that his father, Cesar Felix Bunagan (right photo, seated) passed away this morning, October 14. In this old photo, Michael V. was with his father, mother Melba (in red dress), and wife Carol.
PHOTO/S: @michaelbitoy on Instagram

Nagluluksa ang comedian-filmmaker na si Michael V. sa pagpanaw ng kanyang ama ngayong Lunes, October 14.

Sa Instagram, ipinost ni Bitoy ngayong umaga ang panalangin niya sa Diyos para sa kanyang amang si Cesar Felix Bunagan.

Tampok sa post ang black-and-white photo ng magkahawak nilang mga kamay.

Caption ni Bitoy: “(Praying hands emoji) Almighty and merciful God, who hast bestowed upon mankind saving remedies and the gift of everlasting life, look graciously upon us Thy servants and comfort the souls which Thou hast made, that, in the hour of their passing, cleansed from all stain of sin, they may deserve to be presented to Thee, their Creator, by the hands of the holy angels.

“Through Christ our Lord.

“Amen.”

Nagpaabot naman ng pakikiramay ang kapwa celebrities at malalapit na kaibigan ni Bitoy, kabilang sina Ogie Alcasid, Ryan Agoncillo, Boy2 Quizon, Dingdong Avanzado, Direk Bert de Leon, Valeen Montenegro, at Mikoy Morales, gayundin ang kanyang fans.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

BITOY ASKS FOR PRAYERS FOR FATHER

October 5 nang mag-post si Bitoy ng litrato ng magkapatong na kamay nila ng ama, sa ibabaw ng hospital bed.

Hindi tinukoy ang dahilan ng pagkakaospital ng kanyang ama, humingi si Bitoy sa kanyang Instagram followers ng panalangin para rito.

Post ni Bitoy: “Holding on… #PrayersForMyFather (praying hands emoji).”

View this post on Instagram

Holding on... #PrayersForMyFather ????????

A post shared by Michael V. ???????? (@michaelbitoy) on

Nitong October 10, nag-post naman si Bitoy ng throwback photo niya kasama ang asawang si Carol, ang apat nilang anak, at ang kanyang mga magulang na sina Cesar Felix at Melba Bunagan.

Maikling caption niya: “Bring us back #TBT”

View this post on Instagram

Bring us back. #TBT

A post shared by Michael V. ???????? (@michaelbitoy) on

“BEETHOVEN” NAME GIVEN BY FATHER

Nang itampok si Bitoy bilang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) Headliner noong June 2019, nabanggit ng bida ng Pepito Manaloto at Bubble Gang creative director na ang kanyang ama ang nagpangalan sa kanya.

Beethoven del Valle Bunagan ang tunay na pangalan ni Michael V., 49, kaya naman Bitoy ang nickname niya.

Kuwento noon ni Bitoy, nakita ng kanyang ama ang pangalang “Beethoven” sa isang music album habang nagtatrabaho ito sa isang construction company.

Continue reading below ↓

Sa naturang interview, nabanggit din ni Bitoy na noong bata pa siya ay pinagtawanan siya ng ama nang sabihin niya ritong gusto niyang maging boksingero.

Kuwento ni Bitoy sa PEP.ph, “Sinabi ko yun sa tatay ko. Pinagtawanan ako.

“Kasi ang payat-payat ko nun, e. Sobrang payat ko nun. Parang imposible.”

Ayon pa kay Bitoy, nang magkokolehiyo na ay ginusto niyang kumuha ng Fine Arts, pero pinakiusapan siya ng ama na ibang kurso na lang ang pag-aralan niya dahil, “anak, mahal ang Fine Arts!” sabi raw ng kanyang ama.

BITOY’S PARENTS ARE CANCER SURVIVORS

Sa naturang interview, ibinunyag ni Bitoy na parehong cancer survivors ang kanyang mga magulang—at kabilang ang mga ito sa mga mag-asawang sinubok ng pagkakasakit ang pagsasama na inspirasyon ng kanyang directorial debut, ang pelikulang Family History.

“Ako, personally, yung mother at father ko, cancer survivors 'yan,” patuloy na kuwento noon ni Bitoy sa PEP.ph.

Continue reading below ↓

“May pinagdaanan silang kakaibang disease, kumbaga.

“Marami pang ibang tao na iba naman ang pinagdaanan. Yun yung mga naging inspirasyon ko.

“In-interview namin sila, nag-research kami tungkol dun sa iba’t ibang klaseng disease na puwedeng gamitin sa istorya.

“And true enough, marami talagang istorya na parang humihingi ng pagkakataon na maisapelikula o maipakita sa marami.

“Para at least malaman ninyo kung ano ang pakiramdam ng pinagdadaanan ng mga tao,” paliwanag noon ni Bitoy.

July ngayong taon nang ipalabas sa mga sinehan sa bansa ang Family History, na hindi lang idinirek at pinagbidahan ni Bitoy kundi isinulat at produced din niya.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actor-filmmaker Michael V. announces on Instagram that his father, Cesar Felix Bunagan (right photo, seated) passed away this morning, October 14. In this old photo, Michael V. was with his father, mother Melba (in red dress), and wife Carol.
PHOTO/S: @michaelbitoy on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results