Gabby Concepcion calls daughter KC Concepcion daring photos "art"

by Bernie V. Franco
Oct 14, 2019
Gabby Concepcion says he is not used to seeing daughter KC Concepcion in a daring pictorial, but adds that he's still supportive of KC's form of expression.
PHOTO/S: Noel Orsal / @itskcconcepcion

Aminadong nagulat si Gabby Concepcion, 54, sa ipinost na daring photos ng kanyang panganay na anak na si KC Concepcion, 34, sa Instagram noong nakaraang linggo.

Gayunpaman, naging supportive dad pa rin ang former matinee idol sa kanyang anak sa dating asawang si Sharon Cuneta.

Tinawag pa ngang “art” ni Gabby ang sexy pose ni KC.

“Well, ako, I love art, so maganda naman yung mga ganoon,” bungad ni Gabby sa mga ipinost na video interviews sa kanya sa YouTube.

Na-interview si Gabby para sa bagong endorsement nito ng brand ng skin care products.

Patuloy niya, “Marami naman akong nakikitang mga ganoong style.

"Pero, of course, coming from your daughter, nakakapanibago lang.

“But I’m open to that,” mabilis na pagbawi ni Gabby.

Ipinagtanggol din ng aktor si KC sa mga nambabatikos at nagsabing sumobra ang pagka-daring nito sa mga larawan.

“There will always be critics, so okay lang yun.

Continue reading below ↓

“That’s how she feels, that’s how she wants to express her[self in] photo sessions, art forms.”

Nauna nang nagbigay ng reaksiyon si Sharon sa pinag-uusapang post ni KC.

Sa PEP Troika, sinabi ni Sharon na iba na ang henerasyon ngayon kumpara noong kabataan ng Megastar.

Tanda na siya, alam na niya ang ginagawa niya. Nainis ako, naunahan ako!” may halong pagbibirong pahayag ni Sharon sa press conference ng kanyang upcoming concert kasama si Regine Velasquez.

Ginanap ang presscon noong October 10.

Patuloy ng Megastar, “Iba na ang mga bata ngayon, e. This generation is different, e, so sa kanila…

"Nung panahon ko, hindi puwedeng mag-shorts sa beach. Strict si Father."

Ang ama ni Sharon ay ang namayapang dating mayor ng Pasay City na si Pablo Cuneta, na siya ring longest-serving mayor sa Pilipinas, mula 1951 hanggang 1998.

Continue reading below ↓

KC CONCEPCION’S PHOTO GETS MIXED REACTIONS

October 8, Martes, nang i-post sa Instagram ni KC ang kanyang daring photo.

Nakasuot ang aktres ng off-shoulder top na gawa sa mesh fabric.

Mababa rin ang suot niyang damit kaya’t pansin na pansin ang dibdib ng actress-entrepreneur.

Umani ng mixed reactions ang post na ito ni KC.

Inulan siya ng papuri ng mga kaibigang atista kagaya nina Iza Calzado, Lea Salonga, Vina Morales, at Lovi Poe, gayundin ang kanyang supporters.

Continue reading below ↓

Pagkalipas ng ilang araw, isang bagong sexy at daring photo ang ipinost ni KC.

Makikita siyang nakahiga, at nakasuot lamang ng see-through lace dress na aninag ang kanyang likuran.

Ikinadismaya naman ito ng mga konserbatibo at sinabi pang malaki ang posibilidad na hindi ito ikatutuwa ng kanyang mga magulang.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gabby Concepcion says he is not used to seeing daughter KC Concepcion in a daring pictorial, but adds that he's still supportive of KC's form of expression.
PHOTO/S: Noel Orsal / @itskcconcepcion
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results