Enchong Dee not leaving ABS-CBN despite lack of projects

by Julie E. Bonifacio
Oct 15, 2019
Enchong Dee on moving to another network: "Hindi pa siguro tamang panahon para tanungin ko... kasi may kontrata pa ako, e. Alam mo, honestly, hindi ko siya iniisiip talaga. Because, pakiramdam ko, hindi naman talaga siya... hindi ko kinukuha lahat ng kayamanan ko sa show business."
PHOTO/S: Allan Sancon / Noel Orsal

Wagi si Enchong Dee sa kategoryang Best Single Performance By An Actor sa 33rd PMPC Star Awards for Television nitong Oktubre 13, Linggo, sa Henry Lee Irwin Theater ng Ateneo de Manila University, Loyola Heights, Quezon City.

Nanalo siya para sa kanyang pagganap sa MMK episode na pinamagatang "Wheelchair."

Naka-tie ni Enchong ang Kapuso actor na si Jeric Gonzales na nanalo naman para sa pagganap nito sa "Male Sex Slave Sa Saudi" episode ng Magpakailanman.

This is the second time na napagwagian ni Enchong ang Best Single Performance By An Actor award sa PMPC Star Awards for TV.

Una niyang nasungkit ang kaparehong award para sa "Parol" episode ng MMK noong 2011.

May bago ba siyang show sa ABS-CBN?

“Wala... wala,” sagot ni Enchong nang mainterbyu ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa backstage ng Henry Lee Irwin Theater.

One year nang hindi siya gumagawa ng teleserye.

“Hindi ko rin po alam kung bakit,” pakli ng 30-year-old Kapamilya actor.

Continue reading below ↓

May ino-offer ba sa kanya at personal decision lang niya ang huwag munang gumawa ng teleserye?

Tugon ni Enchong, “There were offers in the beginning but you have... kailangan mong timbangin, di ba?

“So, kailangan ko munang intindihin kung gagawin ko ba ‘to dahil gusto ko lang gawin or, gagawin ko lang ba ‘to dahil wala nang maibigay?

“Hindi naman sa ganoon.

"So, I really have to think about the next TV shows that I’m gonna be doing."

Pumasok ba sa isip niya ang lumipat ng ibang network?

“Hindi pa siguro tamang panahon para tanungin ko... kasi may kontrata pa ako, e.

“Alam mo, honestly, hindi ko siya iniisiip talaga.

"Because, pakiramdam ko, hindi naman talaga siya... hindi ko kinukuha lahat ng kayamanan ko sa show business.

“So, parang, it’s a craft for me. It’s something that I really value. It’s something that I’m very passionate about.

Continue reading below ↓

“So, kailangan kong pag-isipan, hindi lang dahil sa pera yung show business.”

ENJOYING DOING MOVIES

Sa August 2020 matatapos ang kontrata ni Enchong sa Kapamilya network. Naiinip ba siya?

“Okey lang po. May mga pelikula naman po na dumarating kaya masaya.”

Naisip ba niyang tumigil na sa pag-aartista since may mga naitayo na siyang negosyo at mahahalagang properties?

"Uhm, hindi naman," sambit niya.

"Pero siyempre, gusto ko rin ma-represent yung bansa natin sa ibang international film festivals, yun. Yung mga ganoon.”

Meron na ba?

“Wala, wala sa akin yun. Nasa producers yun kung saan nila ilalaban yung mga pelikulang nagawa namin, di ba?

“Pero yung Elise, malaki ang paniniwala ko sa pelikulang Elise,” hopeful na sabi ni Enchong.

Ang Elise ay pinagtambalan nila ng Kapuso star na si Jenine Gutierrez sa direksiyon ni Joel Ferrer.

Excited si Enchong sa gagawing pelikula under Ten17 Production, na magsu-shooting na next month.

Continue reading below ↓

“Kina Direk Paul [Soriano], it’s a partnership with Tincan, yung kay Toni [Gonzaga] naman na production.

“I’m looking forward to that, kasi hindi siya pang-MMFF, pero dream ko talaga na makatrabaho sina Direk Paul.

"Kasi, I feel like that they do quality, at the same time may box-office marks, so and so.”

May gusto pa rin ba siyang gawin bukod sa kanyang showbiz and business careers?

“Parang hindi mo siya mai-enumerate na eto lang ang gusto mong gawin, e.

“But definitely, something that people would be able to relate to. Yung audience naman natin ang priority natin.

“So, kahit kapag nagsusulat din kayo, iniisip din ninyo yung magbabasa nito.

“So, kung anuman yung susunod kong gagawin, inisiip ko rin ang audience ko.”

ENCHONG LOVES THE PHILIPPINES

Active si Enchong sa social media kaugnay sa social issues at ilang government officials. Tuloy, madalas naba-bash si Enchong.

Continue reading below ↓

“Dapat nakikialam tayo sa mga nangyayari sa bansa natin. Yun lang yun,” seryosong pahayag ni Enchong.

“Pero nasa kanila naman... kumbaga, tayo naman, kumportable ang buhay natin. Yung mga hindi, yun ang mga iniisip natin.

“So, kung sila, ayaw nilang mag-improve ang buhay nila, okey lang.”

Bakit niya ginagawa ang ganitong bagay?

“Mahal ko ang bansa natin, e.”

Kahit bina-bash siya?

“Oo, ipaglalaban ko ang bansa natin.

"Kasi, kahit iba-iba tayo ng opinyon, at least, may conversation, di ba?”

May balak ba siyang pumasok sa politika?

“Heee, ayoko ‘yan,” mabilis na tugon ni Enchong.

“Masaya na ang buhay ko sa kakaunting pera.”

Kaunti lang ba?

“Hahaha!”

Ilan na ba ang buildings at apartments niya?

“Baka maisilip tayo ng BIR. Quiet na lang talaga.”

IS LOVE LIFE NOT A PRIORITY?

Kumusta ang love life niya?

Continue reading below ↓

“I’m doing so much other stuffs than showbiz.

"Show business is only a certain part of my life, probably ten percent?” tugon ni Enchong.

Hindi niya priority ang love life?

“Uhm, siguro if I would and if I have right now, I would just keep quiet.

"I’d rather be... I’d rather learn from my experiences from the past.

“Kasi, parang... all of a sudden, ang daming involved, di ba?

"So I’d rather keep it quiet.”

But he’s dating?

“Definitely,” paniniyak ni Enchong.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Enchong Dee on moving to another network: "Hindi pa siguro tamang panahon para tanungin ko... kasi may kontrata pa ako, e. Alam mo, honestly, hindi ko siya iniisiip talaga. Because, pakiramdam ko, hindi naman talaga siya... hindi ko kinukuha lahat ng kayamanan ko sa show business."
PHOTO/S: Allan Sancon / Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results