Jake Ejercito fails at staring challenge with Bea Alonzo; did he feel shy in front of Bea?

by Rachelle Siazon
Oct 15, 2019
Jake Ejercito posts video where he loses in five-second staring challenge with birthday girl Bea Alonzo.
PHOTO/S: @unoemilio / @niceprintphoto Instagram

Hindi inaasahang dumalo si Jake Ejercito sa 31st birthday party ng Kapamilya actress na si Bea Alonzo noong Linggo ng gabi, October 13.

Kinaumagahan ng Lunes, October 14, sunud-sunod ang Instagram Stories ni Jake ng mga ganap sa party.

Partikular na rito ang video ng staring challenge nila ni Bea.

Makikitang nagkakatuwaan sila habang sinasabi ni Bea, "Five seconds, game! Walang malisya!"

Tila nahihiya naman si Jake na yumuko muna bago nakipagtitigan kay Bea.

Bahagyang inilapit ni Bea ang mukha niya kay Jake na naunang sumuko, napangiti, at saka napatakip ng mukha.

Caption ni Jake sa video, "At my worst."

Continue reading below ↓

Ibinahagi rin ni Jake sa kanyang Instagram Stories ang video ng live performance ni Bea ng kanta ng UDD na "Oo."

"Hbd @beaalonzo," caption ulit ni Jake.

Kasama ni Jake sa umpukan ang stylist na si Maita Baello at ang photographer na si Mark Nicdao.

Continue reading below ↓

Hindi malinaw kung paano nagkakilala sina Jake at Bea at kung personal na naimbitahan ang binata sa party.

Si Jake ay anak ni dating Manila Mayor Joseph Estrada. May pitong gulang na anak si Jake sa dating girlfriend na si Andi Eigenmann.

Sa ngayon, walang napababalitang opisyal na karelasyon si Jake.

Si Bea ay single at kahihiwalay sa longtime boyfriend na si Gerald Anderson noong Hulyo 2019.

HOT STORIES

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jake Ejercito posts video where he loses in five-second staring challenge with birthday girl Bea Alonzo.
PHOTO/S: @unoemilio / @niceprintphoto Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results