Megan Young hopes Michelle Dee will be second Pinay Miss World

by Rommel Gonzales
Oct 15, 2019
Miss World 2019 Megan Young (right) on giving advice to Miss World Philippines 2019 Michelle Dee (left): "I think if anybody will want any tips—whether it’s Michelle or anyone else—they would message me naman. Kasi, ayoko naman maging parang, ‘O dapat ganito, ganyan.’ Ayokong magmukhang parang I’m forcing unsolicited advice, ayokong magbigay nun."
PHOTO/S: Michelle Dee Instagram

Umaasa si Miss World 2013 Megan Young na si Michelle Dee ang tanghaling pangalawang Pinay na Miss World.

Si Michelle ang kinatawan ng Pilipinas sa Miss World 2019 na gaganapin sa London, England sa December 14.

“Sana nga, masundan na. Sana, masundan na!” asam ng kauna-unahang Pinay na nanalong Miss World.

“I hope she does well, iyon naman lagi ang gusto natin, di ba?”

Binigyan ba niya ng pointers si Michelle?

Ayon kay Megan, “I think naman if... well, she has her mom to give her a lot of pointers already so…”

Ang ina ni Michelle ay si Miss International 1979 Melanie Marquez.

“I don’t wanna force my tips on anyone.

"I think if anybody will want any tips—whether it’s Michelle or anyone else—they would message me naman.

“Kasi, ayoko naman maging parang, ‘O dapat ganito, ganyan.’

Continue reading below ↓

“Ayokong magmukhang parang I’m forcing unsolicited advice, ayokong magbigay nun.

"So if they need advice, then I’ll be willing to give it.

"And in the past, I’ve met up with previous Miss World Philippines winners.

“Kasi, they messaged me na parang, ‘Hey, let’s meet up!’

“So ayun, kung gusto niya, I’ll be willing to give and if not, then ano lang yun, diskarte niya yun.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Megan sa taping ng Kapuso afternoon drama series na Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko nitong October 4, Biyernes, sa Madison 101 Hotel sa Aurora Boulevard, Quezon City.

MEGAN YOUNG WILL MISS KRIS BERNAL

Sa nalalapit na pagtatapos ng Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko sa Oktubre 19, Sabado, si Kris Bernal daw ang pinakamami-miss ni Megan.

“Mami-miss ko yung horror vibes ni Kris. Kasi, pag nasa screen siya, nakakatakot siya,” lahad ni Megan.

Continue reading below ↓

“But when you get to know her in person, super bubbly, super parang kikay, siya yung pinakakikay kasi sa aming tatlo na girls.

“I guess, iyon yung mami-miss ko, yung kikay siya 'tapos naka-prosthetics na multo, di ba?

“Kasi, lagi naming ginagawang parang, like, behind the scenes, nagdyu-joke lang kami na parang, ‘Takutin mo nga ako!’

“Pero puro katatawan lang yung ginagawa naming dalawa.

“So iyon, even though heavy yung scenes, parang she finds a way to be light about it.

"Kahit sobrang init na init siya sa damit niya, parang super-sticky ng makeup niya, ano lang, good vibes lagi siya.”

Patuloy ni Megan, “I think, since first time kong maka-work si Rayver [Cruz], Kris and Kim, lahat sila, first time kong maka-work... I enjoy working with all of them on different levels.

“Si Kris, I like her professionalism and work with such... iba siya, e, iba siya.

Continue reading below ↓

"Like, parang she’s all hapy and fun, pero pagdating sa set, alam na niya lahat ng lines niya.

"'Tapos, parang konting kembot lang, puro luha na yung tutulo.

“Si Rayver naman, he’s very happy go-lucky, walang bad vibes, he doesn’t say anything bad about anyone, laging positive.

“And he’s a very good co-actor in terms of, siyempre asawa ko siya rito, so we are in a lot of scenes together.

“So, kami ang nagtutulungan. So, na-appreciate ko yung tulong na ibinibigay niya sa akin.

“And si Kim naman, matsika siya. Tahimik lang siya, akala ng maraming tao, pero once na makausap mo siya, she has a lot of stories to tell.

“So I’m happy na finally nakilala ko sila at may mga nalaman ako tungkol sa kanila.

“Kasi dati, parang hi-hello, it’s just a name to a face, pero ngayon nakilala ko na sila.”

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Miss World 2019 Megan Young (right) on giving advice to Miss World Philippines 2019 Michelle Dee (left): "I think if anybody will want any tips—whether it’s Michelle or anyone else—they would message me naman. Kasi, ayoko naman maging parang, ‘O dapat ganito, ganyan.’ Ayokong magmukhang parang I’m forcing unsolicited advice, ayokong magbigay nun."
PHOTO/S: Michelle Dee Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results