Regine Velasquez receives flowers from Louis Vuitton

by Jet Hitosis
Oct 15, 2019
The management of Regine Velasquez confirms that French fashion house Louis Vuitton sent flowers to the singer “in response to her revelation about the shopping incident" in the luxury retail brand's store in New York City years ago.
PHOTO/S: Noel Orsal

Pinadalhan ng bulaklak ng Louis Vuitton si Regine Velasquez kasunod ng pagbubunyag niya ng dinanas na diskriminasyon sa store ng luxury retail company sa New York, ilang taon na ang nakalipas.

Sa report ng Tonight With Boy Abunda nitong Lunes, October 14, ibinalita ng management ni Regine na nagpadala ng mga bulaklak ang French fashion house sa Asia’s Songbird “in response to her revelation about the shopping incident.”

Wala nang iba pang nabanggit na detalye tungkol sa pagpapadala ng LV ng bulaklak kay Regine, o kung direktang humingi ang kumpanya ng paumanhin sa singer.

Matatandaang sa vlog ni Regine nitong October 1 ay naikuwento niya ang dinanas na diskriminasyon sa LV store sa New York.

Batay sa kuwento ni Regine sa kanyang vlog, hindi siya pinayagang isukat o bilhin ang sapatos na dinayo pa niya roon.

Dahil sa nangyari, napabili umano si Regine ng 20 pares ng sapatos sa katapat na isa pang luxury retail store, ‘tsaka bumalik sa loob ng LV para bilhin ang gustung-gustong sapatos.

Continue reading below ↓

STORE REFUSES ENTRY TO REGINE

Sa guesting ni Regine, kasama si Sharon Cuneta, sa Tonight With Boy Abunda kagabi, muling ikinuwento ng Asia’s Songbird ang insidente.

Dito niya inaming hindi lang basta hindi siya pinayagang isukat o bilhin ang LV shoes, kundi hindi talaga siya pinapasok sa loob ng store.

“Sa pintuan pa lang, hindi na ako pinapasok!” kuwento ni Regine, na sinundan ng tawa.

“Sabi niya, ‘No, I don’t think we have your size.’ At saka nakaharang talaga siya doon,” dagdag niya.

SHARON SHARES THE SAME EXPERIENCE

Gulat na gulat naman si Sharon sa kuwento ni Regine.

Napakuwento rin tuloy ang Megastar sa parehong insidente ng diskriminasyon na tatlong beses na umano niyang naranasan.

Ibinahagi ni Sharon ang isang insidente sa isang Cartier boutique sa Hong Kong.

“I was in Hong Kong, I entered a Cartier store.”

Aniya, kaswal lang ang suot niya nang mga oras na iyon.

“Very simple kasi, shirt lang and jeans.

Continue reading below ↓

“I said, ‘Excuse me,’ ‘I’m not finished yet!’

"I was so angry, there was another sales rep that was very nice, and I ended up buying things I didn’t really need because I was so angry,” sabi ni Sharon.

Tinawag naman ni Boy na “inhuman” ang diskriminasyong kapwa naranasan nina Regine at Sharon.

Paliwanag ni Boy, “Hindi naman tama na kahit anong bansa ka galing, kahit anong nationality mo, wala kang karapatang mag-discriminate.”

Guests ni Boy sina Regine at Sharon para mag-promote ng kanilang Iconic concert, na gaganapin sa October 18 at 19, sa Smart Araneta Coliseum.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The management of Regine Velasquez confirms that French fashion house Louis Vuitton sent flowers to the singer “in response to her revelation about the shopping incident" in the luxury retail brand's store in New York City years ago.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results