Angel Locsin looks back at photo when she was just friends with Neil Arce 

by Rachelle Siazon
Oct 16, 2019
Angel Locsin posts photo of her and fiance Neil Arce taken way back their barkada days in 2011.
PHOTO/S: Mark Nicdao via @therealangellocsin

Masayang binalikan ni Angel Locsin na nagsimula sa pagiging magkaibigan ang love story nila ng fiancé niyang si Neil Arce.

Sa kanyang Instagram post kagabi, October 15, ibinahagi ni Angel ang throwback photo nila ni Neil na kuha pa noong March 6, 2011.

Parehong dumalo noon sina Angel at Neil sa after-party ng photo exhibit ng celebrity photographer na si Mark Nicdao sa Makati City.

"2011. from @markednicdao ‘s mahiwagang laptop??Thanks Mark for this [heart emoji] #TBT #Vantage after party," saad sa caption ni Angel.

Continue reading below ↓

Kisses emojis naman ang simpleng reply ng film producer na si Neil.

ANGEL AND NEIL, MEANT FOR EACH OTHER

Marami ang kinilig na makitang mauuwi sa kasalan ang dating pagiging magbarkada lamang nina Angel at Neil.

Ilan sa kapwa-artista ni Angel na nag-comment ay sina Bea Alonzo, Loisa Andalio, Bubbles Paraiso, at Iza Calzado.

Continue reading below ↓

Sabi ni Loisa, "destiny" talaga ang nagtagpo kina Neil at Angel.

Sang-ayon din ang beauty queen na si MJ Lastimosa na #meanttobe ang iniwang komento sa post ni Angel.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

FRIENDS TURNED LOVERS

Bukas sa pagsasabi si Angel na pitong taon silang magkaibigan ni Neil bago sila nagkaroon ng espesyal na pagtingin sa isa't isa.

Pareho silang galing sa long-term relationships nang tiyempong naging single sila pareho noong January 2017.

March 2017 nang aminin ni Angel na may non-showbiz guy siyang idine-date, at nang sumunod na buwan ay natukoy na si Neil nga iyon.

Ilang buwan ding tumagal ang exclusively dating status ng dalawa.

Hanggang sa noong September 2017, inamin ni Angel na nagsasabihan na sila ng "I love you" ni Neil.

Dagdag ni Angel sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilan pang reporters, "He’s very honest, matalino, magaling mag-advise sa buhay."

February 2018 nang kumpirmahin ni Angel na nobyo na niya si Neil.

Dahil nagsimula sila bilang magkaibigan, nakatulong daw iyon para mas maging totoo at matatag ang kanilang relasyon.

ENGAGED STATUS

At noon ngang June 2019 ay nag-propose na si Neil kay Angel.

Continue reading below ↓

"I said YES," anunsiyo noon ni Angel.

Malihim ang couple pagdating sa wedding date na napili nila.

Ang tanging siniguro ni Angel ay tututukan niya ang pag-ayos ng kasal nila ni Neil ngayong tapos na ang prime-time series niyang The General's Daughter.

Sinabi iyon ni Angel sa finale presscon ng serye noong September 2019.

HOT STORIES

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Angel Locsin posts photo of her and fiance Neil Arce taken way back their barkada days in 2011.
PHOTO/S: Mark Nicdao via @therealangellocsin
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results