Sheryl Cruz open to reconciliation with cousin Senator Grace Poe

by Gorgy Rula
Oct 16, 2019
Sheryl Cruz (left) on possible reconciliation with cousin Senator Grace Poe: “Wala namang imposible, yun lang yung sasabihin ko. Basta yung sa akin lang, ilagay lang natin sa tama. Ilagay lang natin sa tama… kung ano man yung hindi dati naklaro o hindi na-explain nang maayos.”
PHOTO/S: Kapuso PR Girl Instagram / Grace Poe Facebook

Walang pagsisisi si Sheryl Cruz sa pagpasok niya sa pulitika kahit talunan siya noong May 2019 elections.

Marami siyang natutunan sa pagtakbo bilang konsehal sa Tondo, at naramdaman daw niya kung gaano siya kamahal ng mga tagaroon.

“I don’t regret ever doing it because ang masasabi ko, na-feel ko rin naman yung love ng tao.

“Although hindi tayo pinalad, hindi ko naman sasabihin din na hindi talaga pumalo yung ratings for the duration of the entire political campaign.

“It’s just that nag-iba ang resulta, lalo na kapag iba na yung nagmanipula ng resulta,” pahayag ni Sheryl nang nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa mediacon ng bagong afternoon drama ng GMA-7 na Magkaagaw nitong Oktubre 14, Lunes.

Pinabulaanan ni Sheryl ang isyung nagpabaya siya sa kampanya kaya siya natalo.

“Hindi totoo yung mga sinasabing 'yan.

"Siguro, mga ano na 'yan, mga black propaganda na 'yan.

Continue reading below ↓

"Kasi, sa abot ng makakaya ko, ginagawa ko araw-araw nang taos sa puso ko.

“Kung hindi mo gusto, iiyakan mo ba pag hindi mo gusto?

"Dahil pag may pinasok ka na isang bagay, I don’t regret ever doing something na ginawa ko ever in my life.

“Whether you win or you lose, di ba? It’s a challenge and it’s something that you learn from it,” pahayag pa ng Kapuso actress.

RELATIONSHIP WITH aunt susan, cousin grace

Nagsimula sa pulitika ang hidwaan ni Sheryl at ng pinsan niyang si Senator Grace Poe.

Nag-ugat ito sa pagkakadawit ng ina ni Sheryl, ang dating aktres na si Rosemarie Sonora, sa kampanya ni Grace noong 2016 presidential elections.

Kaugnay ito ng "urban legend" na si Grace ay anak ni Rosemarie sa dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Si Grace ay adoptive daughter ng yumaong King of Philippine Movies na si Fernando Poe Jr. at ng Queen of Philippine Movies na si Susan Roces, nakatatandang kapatid ni Rosemarie.

Continue reading below ↓

Nais ni Sheryl noong magbigay ng opisyal na pahayag sina Grace at Susan upang pabulaanan ang matagal nang usap-usapan tungkol sa tunay na mga magulang ng senadora.

Kumusta na sila ni Senator Grace?

Sabi ni Sheryl, okay na sila ng kanyang tiyahing si Susan.

“I write letters to her [Susan] and she checks up on me through my Nanay Doray. Pinadadalhan ako ng mga pagkain.

“Yun ang aming relationship sa isa’t isa.

“My aunt is always gonna be part of my life, and she’s always gonna be my blood.

"She’s always gonna be the person I look up as my second mother,” saad ni Sheryl.

Hindi niya isinasara ang posibilidad na magkaayos sila ni Senator Grace, lalo na kung aayusin ito ng kanyang Tita Susan.

“If she makes the move to clear the air. Yun na lang, yun na lang ang sasabihin ko.

Continue reading below ↓

"Kasi, ang concentration ko talaga ngayon is to better myself, not only with my career but on perspective ko on how I see things, yung life ko, and para na rin naman sa anak ko na makita naman niya na, 'Si Mommy naman, okay naman siya… she’s not naman having a difficult time being by herself.'

“Kasi, ayokong mag-alala yung anak ko sa akin while she’s abroad."

Nasa poder ng kanyang dating asawa na si Norman Bustos ang kanilang anak na si Ashley Nicole.

“Para sa akin, it’s enough na between the two of us there’s no bad blood.

"Plus the fact na ang aunt ko rin, busy rin naman sa career niya, di ba?

“Napaka-demanding din naman ng kanyang ginagawa with the other network and at the same time, I’m so proud of her because at her age, she’s active pa,” pagtukoy ni Sheryl kay Susan, na napapanood sa ABS-CBN prime-time series na FPJ's Ang Probinsyano.

Continue reading below ↓

POSSIBLE RECONCILIATION

Ano ang pananaw ni Sheryl sa posibilidad ng pag-aayos nila ni Senator Grace?

“Wala namang imposible, yun lang yung sasabihin ko. Basta yung sa akin lang, ilagay lang natin sa tama.

“Ilagay lang natin sa tama… kung ano man yung hindi dati naklaro o hindi na-explain nang maayos.”

Handa ba siyang makaharap ang kanyang pinsan at magkausap sila nang maayos?

Sagot ni Sheryl, “Yes. But not in front of the public.

"It would be better na walang kasamang ano… kasi, yung hidden agenda in all those things.

“If it really comes from the heart, di ba? Who are you to say no? And who are you not to forgive and mend the bridge?”

Ayaw na raw sana niyang pumagitna rito ang Tita Susan niya.

“First of all, we’re both grown-ups already. Let’s leave my aunt out of it.

Continue reading below ↓

"We’re both adults," deretso niyang sagot.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sheryl Cruz (left) on possible reconciliation with cousin Senator Grace Poe: “Wala namang imposible, yun lang yung sasabihin ko. Basta yung sa akin lang, ilagay lang natin sa tama. Ilagay lang natin sa tama… kung ano man yung hindi dati naklaro o hindi na-explain nang maayos.”
PHOTO/S: Kapuso PR Girl Instagram / Grace Poe Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results