Beauty queen Samantha Lo allegedly back in PH; will she still make it to Miss Grand International 2019?

by Bernie V. Franco
Oct 16, 2019
Where is Bb. Pilipinas Grand International 2019 Samantha Lo? Will she still make it to the international pageant?
PHOTO/S: @bbpilipinasofficial and @samantha_ashley_lo on Instagram

Nasaan si Bb. Pilipinas Grand International 2019 Samantha Lo?

Ito ang malaking katanungan ng Filipino pageant fans and enthusiasts nitong mga nakalipas na araw dahil walang update sa beauty queen mismo tungkol sa sasalihan niyang international beauty pageant.

Umalis ng bansa si Samantha noong October 9, Miyerkules, para sa Miss Grand International (MGI) 2019 pageant na gaganapin sa Caracas, Venezuela.

Gaganapin ang grand coronation sa October 25, 2019 (Venezuelan time).

Ang pinakahuling post ng Pinay beauty queen ay noong departure pa niya, kaya nag-aalala at dismayado ngayon ang ibang pageant fans and enthusiasts na tumututok sa pageant.

Bago lumipad, nakapag-post pa ng paglilinaw si Samantha tungkol sa fake news na nasunog diumano ang tutuluyan niyang hotel sa Venezuela.

Pero mula noon ay wala nang update ang beauty queen.

“SAMANTHA IS BACK IN THE PHILIPPINES”

Ngayong umaga ng Miyerkules, October 16, may lumabas na impormasyon tungkol sa kinaroroonan ni Samantha.

Ayon sa isang source, bumalik ng Pilipinas si Samantha.

Continue reading below ↓

Ang source ay ang kilalang Venezuelan beauty pageant jeweler na si George Wittels, na may partisipasyon sa organization ng MGI pageant, bilang ang kanyang bansa ang host country.

Si George ay respetadong pageant crown maker ng kilalang international pageants, gaya ng Miss World at Miss International at national pageants sa iba’t ibang bansa.

Sa mga nakalipas na araw, naging aktibo si George sa pagsagot ng mga tanong ng pageant fans at pagbibigay ng updates tungkol kay Samantha.

Ngayong Miyerkules, sinabi ng Venezuelan pageant crown maker na nabigo umano si Samantha na makakuha ng flight patungong Venezuela kaya bumalik ito ng Pilipinas.

Ani George (published as is): “Im sorry to say that Miss Philippines is back in Manila because she could not stay more than 48 hours at Paris airport and didn’t find a conection to Venezuela before, she said that is still looking to get another ticked to get to Venezuela, we hope she finds a Way to get IT and that she is finally able to Join the rest of the participants of the MGi.”

Continue reading below ↓

Ang pahayag ni George ay kumpirmasyon sa impormasyon ng ilang sources na na-miss ni Samantha ang flight niya patungong Venezuela habang nasa airport ng Charles de Gaulle Airport sa Paris, France.

Pero diin ni George, sinusubukan pa ring makaabot ni Samantha sa pageant.

Sagot pa rin niya sa isa pang netizen: “Back in Manila, she said that she is trying to get another ticket and we hope she can do IT and finally joins the MGI group.”

Continue reading below ↓

Kahapon, October 15, Martes, sinagot ni George ang ilang Filipino pageant fans na humihingi ng update tungkol kay Samantha.

Ayon sa Venezuelan national, nagkaroon ng “passport issues” si Samantha habang nasa Paris airport.

Continue reading below ↓

WILL SAM MAKE IT TO THE PAGEANT?

Nakatakdang i-present ang mga kandidata ng Miss Grand International 2019 ngayong Miyerkules, October 15.

Noong Martes, may sinagot na netizen si George kung madi-disqualify ba si Samantha kung hindi ito makakaabot sa presentation.

Paliwanag ni George, magkakaroon ng konsiderasyon ang MGI Organization ngayong taon dahil nagkaroon ng isyu para sa mga kandidata, katulad na lamang ng pagkuha ng visa.

Maging ang MGI president mismo na si Nawat Itsaragrisil, isang Thai TV host at producer, ay nakaranas ng problema sa flight patungong Venezeula.

Bahagi ng Instagram post ni George (published as is): "Usually Mr Nawat doesn’t allow girls that show up Late, but in this case is different because visas where issued Late and many countrys dont have Venezuelan embassys so he is concient of the sacrifices every girl made to be here, even Nawat missed one plane to get here and had to make two extra flights to get here…”

Continue reading below ↓

Samantala, nakipag-ugnayan ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Binibining Pilipinas Charities, Inc. (BPCI) ngayong araw kung may official statement sila hinggil sa sitwasyon ni Samantha.

Sumagot ang BPCI na papadalhan kami ng kopya oras na lumabas ang statement.

Tinanong namin kung makukumpirma nilang nasa Pilipinas nga si Samantha, kagaya ng update ni George.

Continue reading below ↓

Pero hindi na kami nakatanggap ng sagot.

Bukas ang PEP.ph sa pahayag ng mga sangkot sa isyung ito.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Where is Bb. Pilipinas Grand International 2019 Samantha Lo? Will she still make it to the international pageant?
PHOTO/S: @bbpilipinasofficial and @samantha_ashley_lo on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results