Gabby Concepcion speaks up about reconciliation with Sharon Cuneta, breakup of daughter KC with French BF

by Rose Garcia
Oct 16, 2019
Gabby Concepcion on reconciliation with ex-wife Sharon Cuneta: "Noon ko pa naman gustong maging okay ang lahat. Nagkaroon lang kami ng misunderstanding, miscommunication, misinterpretation, mixed emotions, different feelings."
PHOTO/S: Noel Orsal

Nagkausap at nagkaayos na ang dating mag-asawa na sina Gabby Concepcion at Sharon Cuneta sa Gabay Guro event noong September 22, 2019.

Masaya ba siyang maayos na ang lahat sa kanila ni Sharon at nagkausap na sila?

“Noon ko pa naman gustong maging okay ang lahat,” sagot ni Gabby.

“Nagkaroon lang kami ng misunderstanding, miscommunication, misinterpretation, mixed emotions, different feelings.

“Ngayon, nakapag-usap kami.

"At least, diretsuhan na kami sa kuwarto na kaming dalawa.

"Walang ibang nasa kuwarto kung hindi kami lang."

Kung mayroong pinakamasaya sa pagkakasundo nilang muli ni Sharon, ito ay ang anak nila na si KC Concepcion.

“Oo, kinakantiyawan niya nga ako,” nakangiting sabi ni Gabby.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Gabby nang ipakilala siya bilang bagong endorser ng Beautederm, nitong Oktubre 12, Sabado sa Relish restaurant, QC.

KC'S BREAKUP

Sa isang banda, dumaan na naman si KC sa breakup dahil tapos na ang relasyon nito sa French businessman na si Pierre Emmanuel Plassart.

Continue reading below ↓

Napag-usapan ba nila ito?

“Oo,” mabilis na sagot ni Gabby.

“Yun ang maganda sa buhay, it’s unpredictable and life is full of challenges.

"And nandito na naman tayo sa isa sa mga challenge ng buhay. Hindi lang naman siya, lahat tayo, and nag-usap kami.

“Happy naman siya ngayon.

“Katulad ng sabi ko, ang importante naman, happy siya. Hindi ko naman makakasama sila.”

Ano ang advice niya sa anak?

“Mahirap kasi marami na rin akong nabigay na advice sa kanya.

"Kapag nagkikita kami, 'Are you happy? How are you? Are you okay?'

“Ang importante naman, may communication.

"Minsan, makausap mo lang, mawawala na."

REUNION MOVIE WITH SHARON

Ngayong bati na sila ni Sharon, matutuloy na ba ang pelikulang pagsasamahan nila?

Ayon kay Gabby, “Balita ko kasi, may mga ginagawa siyang projects ngayon.

“Tingnan natin, sana mabuo. May mga plans. Nasa planning stage pa.

Continue reading below ↓

"Pero okay na, nakapag-usap naman kami at positive naman.”

Patuloy niya, “Huwag na tayong paliguy-ligoy pa.

"Well, hinihintay na lang natin kung matatapos na niya ang show, congratulations nga pala sa kanilang concert, sa kanilang dalawa ni Regine Velasquez.

“Bata pa lang ako, pinanood ko na sila!” biro ni Gabby.

Manonood ba siya ng Iconic concert nina Sharon at Regine ngayong Oktubre 18 o 19 sa Araneta Coliseum?

Saad ni Sharon, “Gusto ko nga sana, kaya lang, may lakad ako.

“Pinu-push ko nga sana, kaya lang baka idemanda ako ng producer, out-of-town. Pero nandoon naman ako in spirit.”

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gabby Concepcion on reconciliation with ex-wife Sharon Cuneta: "Noon ko pa naman gustong maging okay ang lahat. Nagkaroon lang kami ng misunderstanding, miscommunication, misinterpretation, mixed emotions, different feelings."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results