Jessy Mendiola, Luis Manzano take it easy on marriage plans

by Arniel C. Serato
Oct 16, 2019
Jessy Mendiola defends boyfriend Luis Manzano from accusation that he is not the marrying type: "Talaga? Sa akin kasi vocal siya. Sabi ko, ‘O, sige, o sige, tara na.’ Kasi ano siya, marrying type naman na siguro siya..."
PHOTO/S: Arniel Serato

Tatlong taon na ang relasyon nina Jessy Mendiola, 26, at Luis Manzano, 38, kaya hindi maiwasang tungkol sa paglagay sa tahimik ang madalas na naitatanong sa kanila ng press.

“Oo, napag-uusapan na namin,” pag-amin ni Jessy sa panayam sa kanya ng media.

“Kahit nga yung kulay nung [motif], napag-uusapan na namin.

“Pero siyempre, di ko muna sasabihin, kasi secret lang.”

Bago naging sina Luis at Jessy, ang huling nakarelasyon ng Kapamilya TV host-actor ay si Angel Locsin, na engaged na ngayon kay Neil Arce.

Nakarelasyon din ni Luis ang Kapuso actress na si Jennylyn Mercado, na masaya na ngayon sa piling ni Dennis Trillo.

Sina Jessy, Angel, at Jennylyn ay pawang itinanghal na "Top Sexiest Women ng FHM" sa iba’t ibang taon.

Dahil dito, may misconception kay Luis na babaero ito dahil wala pang nakakatuluyan.

Pero depensa ni Jessy sa nobyo, “Siguro ano, hindi lang talaga nag-work sa iba.

Continue reading below ↓

“Katulad sa akin, hindi din naman nag-work sa kaisa-isang ex ko," pagtukoy ng aktres kay JM de Guzman.

Patuloy niya, “Pero ganun talaga. Pero, di ba, ganun talaga ang life?

“Kaya din tumatagal ang isang relasyon because you are meant to be with each other.

“Yun nga ang nangyari sa amin.

“Siguro, meant to be na nagkakasundo kaming dalawa kaya tumagal kami nang ganito.

“Kahit nga kami, nagugulat nga din kami, ‘Aba, three years na tayo!’”

Hindi ba siya napipikon kapag tinatanong tungkol sa marriage plans nila ng boyfriend?

Kamakailan kasi ay nakiusap si Anne Curtis sa media na huwag nang tanungin ang mga artistang babae kung kailan sila mag-aasawa o magplanong magkaanak.

Tugon ni Jessy, “Hindi, hindi ako napipikon.

“Ano lang, dati mas napi-pressure pa ako.

“Pero ngayon, kasi nga, sabi ko nga kay Luis, 'Siguro ganun na yung vibe natin, ‘no? Pakasal na yung next step natin. Kasi ganun na yung napapakita natin sa mga tao.'

Continue reading below ↓

“Kumbaga, maraming nae-excite for us na, ‘Kailan na, ano?’"

Diin niya, “Hindi ako napipikon. Wala.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang piling media si Jessy sa launching nito bilang bagong endorser ng SkinCell Advanced Aesthetic Clinics para sa campaign nilang “Beauty in Progress” noong Lunes, October 14.

Continue reading below ↓

MARRYING TYPE?

Marami rin ang nagsasabing hindi raw marrying type si Luis.

Ano ang masasabi ni Jessy tungkol rito?

Saad ng aktres, “Talaga? Sa akin kasi vocal siya.

“Sabi ko, ‘O, sige, o sige, tara na.’

“Kasi ano siya, marrying type naman na siguro siya.

"Siguro, before.

“Or siguro, sa paningin lang ng mga tao sa kanya, kasi bachelor, akala mo never magsi-settle down.

"But for me, he’s... I think he’s ready naman.

“Inaantay lang din niya ako maging ready.

“Kasi noong una din, three years na kami, we got together, I was 23.

"So, medyo maaga pa masyado yung time na yun."

Dagdag pa ni Jessy, “Mataas ang tingin ko kay Luis. Malaki ang respect ko sa kanya.

"Siguro kaya dun din nagtatagal yung relasyon kasi yung respect niyo sa isa’t isa.”

Nagkaroon na ba sila ng “major, major” na pagtatalo?

Continue reading below ↓

Nakangiting sagot ni Jessy, “Normal ba yung hindi kami nag-aaway masyado?

“Parehas lang. And ano din kasi, parehas kami ng mga hilig, e, parehas kami ng sport, parehas kami ng hobbies.

“Kaya siguro hindi lang din kami boyfriend-girlfriend lang, more of, like, best friends din kami pagdating sa life.

“Ayun, hindi kami madalas mag-away.”

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jessy Mendiola defends boyfriend Luis Manzano from accusation that he is not the marrying type: "Talaga? Sa akin kasi vocal siya. Sabi ko, ‘O, sige, o sige, tara na.’ Kasi ano siya, marrying type naman na siguro siya..."
PHOTO/S: Arniel Serato
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results